Kakatapos lang ng klase namin..pumunta na kami ni LJ sa cafeteria. Hindi kasi makakain yung apat na lalake na yun kung wala kami, syempre para sabay-sabay kaming kumain. Pagpasok namin sa cafeteria nakita kaagad namin sila kaya lumapit na kami sa kanila. " Ang tagal niyo naman..oanina pa kami nagugutom. " reklamo ni Jacob sa amin. " Sinabi ba kasi naming hintayin niyo kami. " sabi sa kanya ni LJ. " Bakit ka parang galit dyan..kami na nga yung nagmamalasakit sa inyo. " sabi naman ni Jacob. Magsasalita pa sana si LJ kaso pinigilan kuna..baka magbabangayan na naman ang dalawang toh at baka hindi pa ako makatimpi makakatikim na sila sa akin. " Umorder na nga kayo. Nagugutom ak- " hindi kuna na tuloy ang sasabihin ko may lumapag na kasi ng pagkain sa harapan ko. Napatingin naman ako kung

