Two weeks na ang nakalipas at sa wakas tapos narin naming ayusin ang school..maganda nga siyang tingnan nagmukhang school nga talaga. Ang ganda pala ang school na napasukan ko pagnalinisan. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room..napatingin naman ako sa mga estudyante. At hindi ko alam kung bakit sila nakatingin sa akin..may problema ba? Tapos rinig ko yung mga bulong-bulongan nila. " Kaya pala siya umabsent nong isang araw kasi magkasama sila ni Dylan. " " Hindi ko alam na may relasyon pala sila. Sayang taken na si Master Dylan. " " Ang swerte naman ni Ms. President kay Master. " T-Teka ako ba ang pinag-uusapan nila..ano ba ang pinagbubulongan nila? Pagkapasok ko sa room nagsitinginan naman sila sa akin lahat. " Dumating na pala ang malanding President. " sabi ni Lyka.

