" Sabihin muna sa akin kung sino si Black Shadow kung ayaw mong mawala ang kapatid mo! " galit na sigaw ni Jack. Kanina niya pa ako pinipilit kung sino si Black Shadow simula nong bumalik sila. Pero kahit anong gawin nila hindi ko parin sasabihin. " Ayaw mo talagang magsalita. " Lumapit siya sa kapatid ko saka sinuntok sa sikmura. " Sasabihin mo o gusto mo pang saktan pa namin ang kapatid mo. " mahinahon niyang sabi pero mapanganib. Napatingin muna ako kay JM na kasulukuyang hirap na hirap na. Marami na siyang pasa sa katawan nahihirapan siya dahil sa pinagagawa ko. Napatingin naman siya sa akin saka ngumiti ulit kaya nginitian ko rin siya. " Wala akong alam. " pamamatigas ko. Kita ko yung galit sa mga mata ni Jack parang isang demonyong pumunta sa lupa. Mas lalo ko pang nakitang

