* Louise POV * Napangiti ako sa lugar kung saan nila dinila ang kapataid ko. Ang dating lugar kung saan huli kaming naglaban ni Jack. Pagpasok ko sa loob agad naman akong hinirangan ng dalawang nagbabantay. " Dumating ka rin..kanina kapa hinihintay ni Boss. " sabi nong isang nagbabantay. Sinamahan naman nila ako papunta sa Boss daw nila..pagpasok ko sa loob sumalubong sa akin ang ngiting demonyo ni Jack. " You're here. " sabi niya sa akin. " Nasan ang kapatid ko? " matigas kung sabi sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin saka lumapit at hinawakan ang iilang hibla ng buhok ko. " Ang swerte ni Dylan sayo maganda na at matapang pa. Alam mo bang yan ang gusto ko sa mga babae? " sabi niya sa akin habang hinahawak paron ang buhok ko. " Wala akong pakialam. " sabay tabig ko sa kamay niya.

