" Araay!! Dahan-dahan naman! " reklamo niya. " Sorry naman. " sabi ko habang ginagamot yung sugat niya. Nandito kasi kami ngayon sa bahay, tutal pauwi naman talaga ako kanina kay dito ko nalang ginamot yung mga sugat na natamo niya. " Bakit ba kasi may mga pasa ka kuya Dylan? " tanong ni JM sa kanya. " Tanungin mo yang ate mo kung bakit may mga ganito ako sa mukha. " Sa pananalita niya parang sinisisi niya ako sa nangyari. " Bakit..sinabi ko bang tulongan mo ako? Hindi naman diba." sabi ko naman sa kanya. " Abat! Parang ikaw pa ang galit ngayon. Kung hindi pa ako dumating kanina baka kung ano na ang nagawa sayo ni Jack. " " JACK! " Nagulat naman kami sa biglang pagsigaw ni JM. " Ano ba ang problema mo. Huwag kangang sumigaw nakakasakit sa trnga. " Huminahon naman siya. " Y

