* Phantom POV * Pagdating ko sa school..napatingin ako sa gate namin na ngayon ay sira na. Pumasok ako sa loob ng campus at doon ko naabutan ang mga nagrarambulan..hindi ko inaasahan na may mangyayaring ganito sa school namin. Pumunta ako sa hideout namin at doon ko naabutan si Jake na ginagamot ang sugat. " Dylan! " tawag niya sa akin. " Pano nakapasok sina Jack dito? " tanong ko sa kanya. " Nakita mo naman siguro yung gate diba..sinira nila yun. " kaya pala sirang-sira ang gate. " Teka Dylan..alam ba ito ni Ms. President " napatingin naman ako kay Aya. Muntik ko ng nakalimutan..kailangan kong makita si Yllana bago pa may mangyaring masama at hindi pa nila alam ang nangyari sa kanya. " Tulongan niyo akong hanapin siya bago pa niya makaharap sina Jack lalo na si Demon. " sabi ko

