At the moment, I was sneaking around Leo’s mall. Parati akong lumilinga sa paligid ko dahil baka kasi mamaya ay bigla na lang sumulpot si Leo. Bukas na ang kaarawan nito at kailangan ay ngayon ko na maibigay ang regalo nito. Pumasok na ako sa loob ng watch shop at pumili ng disenyo ng relo na nagustuhan ko at tingin ko ay babagay kay Leo. Eksakto namang limited stocks ang napili kong design at dalawa na lang daw ang available no’n. Simple lang iyon. Black watch iyon na may ash gray na band.Tapos ay ipina-engrave ko sa parehas na relo ang pinagsamang initials namin ni Leo na L.X. Feeling happy that I finally bought a very nice gift for Leo, namili na rin ako ng cake, champagne at iba pa naming makakain na naluto na. Pagkatapos kong bilhin lahat ng kailangan ko ay inilagay ko na lahat ng

