Napabalikwas ako ng higa at namilog ang mga matang humarap rito. "’Yung totoo?" Hindi ako makapaniwalang tanong ko. He only hmmed in reply while pulling me closer and hugging me tightly. "As in, tayo?" "Yes." Tugon nito. Napamaang ako. "Kailangan mo ng makakatulong sa paglilipat ng paintings diba?" He added. "Madali lang naman ‘yun." "Hindi. Kailangan mo talaga ng kasama. Isama din natin si Stanley para naman makapaglibot paminsan-minsan." Naumid ang dila ko. Hindi ko alam kung ano ang itutugon rito. "Now sleep." Utos nito. Paano ako makakatulog kung ganito? Muli ko itong tinignan ngunit nakapikit na ito. I couldn’t calm down. My heart was beating rapidly. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko. Parang kinakabahan na naeexcite na ewan. "’Yung totoo, painting ba talaga ang

