Pagkaliko namin sa isang pasilyo, binuksan ni Leo ang isang pintuan na may sign na Managing Director’s Office. Sa ibaba niyon ay nakasulat kung saang departamento ako kabilang. "This is going to be your office. Sinet up ko na ang mga kailangan mo do’n—" Anito sabay turo nito ang isang sulok na puno ng art materials. "Kung anong gusto mong gawin sa computer ikaw na ang bahala. Tapos ito—“ Nagtungo ito sa isang gilid. “Naglagay na ako ng mini fridge para kapag nagutom ka, hindi mo na kailangang pumunta sa snack room. May snacks na rin dito sa taas." "Tapos may tv na rin dito, so you can watch any movies you want. Nagpalagay pa ako ng recliner para kumportable kang nanonood o kaya kapag inaantok ka." "’Yung totoo? Magtratrabaho ba ako dito o magliliwaliw?" Hindi makapaniwalang inilibot ko

