"Is everything okay at work?" Napatingin ako kay Leo. Kumakain kami ngayon sa isang fine-dining restaurant sa loob ng mall nito. Sinundo ako nito mula sa trabaho ko kanina. Pagkarinig ko ng tanong nito ay biglang pumasok sa isipan ko si Luna. Ngumiti ako rito ng tipid at saka tumango. "Yup." Saad ko. "Then why do you look tired?" Natigil ako sa paghiwa ng steak. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. I tried to make myself look more cheerful and flashed him a smile. "Just the usual. Maraming pasyente ngayon. How's work?" Pag-iiba ko ng usapan. "Great! The mall gained visitors three times higher than last year. We also got a good review in the survey." Napangiti ako sa sinabi nito. It was a genuine smile. Masaya ako para rito. “Baka pagkatapos ng Cebu branch, ililipat ko na ang main office

