Ilang araw na ang lumilipas, pero hindi pa rin umuuwi si Leo. Ang sabi sa akin ni Jeffrey ay alam na daw nito kung nasaan si Leo at sinabi nito na ‘wag akong mag-alala dahil buhay pa daw ito. Ngali-ngali kong murahin si Jeffrey sa naging sagot nito. I recalled what Jeffrey said that day. "Sorry, it was a bad joke. Kidding aside, give him some time and space. Part ng relasyon ang pagbibigay ng space sa partner mo kapag kailangan nila. Don't worry. He'll come back to you." Subalit ito na ang ikatlong araw na hindi ko nakikita ang mukha ni Leo. Ang rinason ko na lang kay Stanley ay nasa business trip si Leo nang minsang hanapin nito ang daddy nito. I had to act strong in front of the child even if I was struggling. At dahil hindi na talaga ako makatiis, nagtungo na ako sa mall. Kailangan

