A week passed and the news about Leo, and Keira had already subsided. Gayunpaman, may ilang reporters pa rin na umaaligid sa mall, umaasang makikita nilang bibisita ang bagong 'girlfriend' ni Leo Simmons. Sinunod ko muna ang sinabi ni Leo na ‘wag munang pumasok sa opisina. Dahil alam kong iyon lang ang tanging magagawa ko sa ngayon. Ang iwasan na bigyan pa ito ng panibagong problema. Hindi muna ako papasok hangga't hindi pa humuhupa ang init ng balita sa opisina. Dahil sa kasalukuyan ay nag-umpisa na ring kumalat sa opisina ang relasyon namin ni Leo. I don’t know how most of my colleagues reacted to the news, but some people, whom I've been close to, had already called me to ask how I was doing and to keep strong. Masaya akong makatanggap ng positibong reaksiyon mula sa kanila. It gave m

