Pagkarating ni Leo sa b****a ng rooftop ay ibinaba ko si Stanley. Mabilis na tumakbo ang bata patungo sa daddy niya. Yumuko si Leo para buhatin ang anak nito. Pagkatapos ay hinalikan nito si Stanley sa pisngi. "What are you guys doing here?" Gulat na tanong nito habang nakatingin sa mga kaibigan namin. Mababanaag ang tuwa sa mga mata nito. "Nag-SOS si Xian. May atraso kami sa kanya eh, kaya no choice. Kahit si Nikko nandito ngayon." Saad ni Leiton. "Nikko?" Inilibot nito ang tingin sa paligid, hinahanap ang pigura ni Nikko. Subalit napalitan ng pagtataka ang anyo nito nang hindi nito nakita ni anino ni Nikko kahit saan. "Wala ba kayong balak maglagay ng elevator dito?" Narinig naming reklamo ni Nikko mula sa likuran ni Leo. Sabay-sabay kaming tumingin rito. Nakatukod ang kamay nito s

