Dumiretso ako sa divan sa labas pagkalabas ko ng kwarto namin ni Leo, binabantayan si Stanley na naglalaro sa tabi ko. While lying down, I quietly held my phone to my ear, waiting for Mariel to answer the call. "Bes! Anong ginawa ko kagabi? Nagwala ba ako?" Bungad ko rito pagkasagot nito ng tawag ko. Imbis na sumagot ay narinig kong humalakhak sa kabilang linya si Mariel. "Ano nga?" I asked impatiently. "Congratulations friend, you just won the award for the most intense confession of the year." She said while laughing. Kumunot ang noo ko. Anong confession?! "Kung hindi ka mahal ni Leo, malamang nakakaawa kang tignan. Eh mahal ka no’n, kaya malamang noong narinig niya ‘yong sinabi mo kagabi, tuwang-tuwa ‘yon." Ani Mariel. "Kwento mo na nga ng buo, pasabik 'to." "Ang clingy mo kaga

