Tumayo ako at naglakad palayo roon. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Leo. "Kukuhanan lang kita ng suklay at towel sa kwarto ko. Sandali lang." Tugon ko rito. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at nagtungo na ako sa kwarto ko. As soon as I closed the door, I mentally slapped myself. I ran away, again. Noong nakita ko ang mukha ni Keira ay hindi maipagkakaila ang ilang pagkakapareha nila ni Stanley. May bumikig sa lalamunan ko. She was the woman Leo proposed to before. And she's also the mother of Stanley. Napaupo ako sa kama. Inaatake na naman ako ng insecurities ko. I took a deep breath and gathered my strength. This was something I have to face sooner or later. Kailangan kong patatagin ang sarili ko kung ayaw kong maagaw ng iba sa akin si Leo. Tumayo ako at kumuha na ng towel a

