I held my phone tightly as I waited for Xian to pick up my call. Kanina pa ako naghihintay sa pag-uwi ni Xian. Madaling araw na, ngunit hindi pa rin ito umuuwi. Hindi na ako nakatiis at tinawagan ko na ito, kahit na hindi ko sigurado kung sasagutin ba nito ang tawag ko o hindi. Kanina habang papunta ako sa opisina ni Xian para subukang kausapin ito ay may empleyado na nagsabi sa akin na kanina pa daw ito umalis dahil magkikita daw sila ng mga kaibigan niya. Dismayado akong bumalik sa opisina ko at nagtrabaho na lang ulit. I failed to talk to him, again. I miss him already. Isang araw pa lang ang lumilipas noong huli kaming nag-usap pero parang napakatagal na no’n. The ringing suddenly stopped. My heart leaped when the sound on the other line changed. It was a bit noisy. "Hello, Xi?

