(Cara) "Wow!,"ang tanging nasabi ko na lang sa lugar na pinagdalhan niya sa akin.Nasa isang private garden ito and then may malaking puno na nandoon kung saan nakakabitan ng magagandang ilaw.Sa ilalim nito ay may naka-set up na dining table.Na may pagkain na rin at wine.May nakakalat rin na mga nasindihang kandila sa paligid namin. "Inabala mo talaga si Eric para e-set up lang toh?,"tanong ko sa kanya.Mukha naman kasing inutos na naman niya ito kay Eric.Kawawa naman iyong tao,lalong naging busy na ang buhay niya. "Nope!Ako kaya ang nag-effort na mag-set up niyan,"lukot ang mukha na depensa niya. Hinawakan na ako nito sa kamay at iginiya na sa isang bakanteng upuan.Ipokreta na siguro ako kung sasabihin kung hindi ako kinilig sa ginawa niya.Kunsabagay sino ba naman ang hindi kikiligin s

