(Cara) Nag-message ako kanina kay Dylan na hindi muna ako papasok ngayong araw.Mukhang naintindihan naman niya dahil wala naman siyang maraming itinanong pa. Sinadya ko talagang ako ang maghatid at sumundo kay Randy ngayong araw ng sa ganoon ay madala ko ito mamaya sa isang amusement park sa SRP.Paborito kasi niyang sumakay sa bee ride at sa bump car na nandoon kaya alam kung mag-eenjoy ito mamaya. Iyon nga lang may isang bagay pa rin akong kinakabahan at iyon ay unang pagkikita nilang mag-ama.Sana magiging okey lang ang lahat. "Ate mommy?,"tawag sa akin ni Randy pagkalabas nito sa classroom niya.Nilingon ko naman ito at nginitian.Patakbo itong lumapit sa akin.Buong galak ko naman itong niyakap at hinalikan sa pisnge ng makalapit na ito sa kinaroroonan ko. "How's school?,"tanong ko sa

