Cara's Pov Saglit akong napahinto nang makarating na ako sa office ni Ms. Reo.Tiningnan ko ulit ang hawak-hawak kung sobre saka huminga ng malalim at pilit na ngumiti.Ilang beses ko rin itong pinag-isipan kagabi at buo na talaga ang desisyon ko. Inihanda ko na ang isang pilit na ngiti sa aking mga labi at tuluyang binuksan ang pinto ng office ni Ms.Reo. "Good morning po Ms.Reo,"masigla kung bati dito at as usual wala kang response na aasahan dito.Nasa mga papeles nito ang attensyon. Dahan-dahan akong lumapit dito at maingat na nilapag ang sobre sa mismong harapan nito. Hindi ako nito tiningnan at kaagad na dinampot ang puting sobre. "What is this?,"umangat ang isang kilay nito habang tinatanong iyon sa akin. "Resignation letter po,"nakangiti ko namang sagot sa kanya. "Alam ko!,"mat

