(Cara) "Na miss mo na ano?,"tukso ni biik sa akin sabay sundot sa kaliwang tagiliran ko.Tiningnan ko siya ng masama kaya tumigil din. Papunta kami ngayon sa bahay ni Eric dahil nagpapatulong kasi ang bakla sa pag-aayos ng gamit niya dahil may nahanap na itong bahay na rerentahan sa isang exclusive na villa.Medyo may kalapitan lang din ng kunti sa apartment na tinitirhan ni biik kaso para akong tinatamad maglakad kaya nang may dumaang pedicab ay pinara ko ito kaagad. "Kuya,doon lang po sa iskinang iyon,"sabi ko dito sa driver na kaagad ding tumalima. "Sino ba kasi ang pupuntahan natin dito,"kunot noong tanong ni biik habang nasa labas na kami ng gate at naghihintay na lang na pagbuksan ng gwardiya. "Parang kanina ko pa sinagot ang tanong na iyan ah,"naiirita kung sagot.Ewan ko ba bakit

