Halos mapupud na iyong swelas ng sapatos ko sa kakaikot sa buong Cebu ay walang kahit anino man lang ni Dylan akong nakita.Nagpasya na lang akong bumalik sa suites nito at doon na lang siya hintayin.At kahit si Eric ay tumulong na rin sa paghahanap dahil nag-alala rin sa amo niya. Kaagad akong napa-upo sa sofa pagkadating na pagkadating ko mismo.Bahagya akong sumandal at panandaliang napapikit.Randam na ramdam ko kasi ang pangangalay ng dalawa kung binti gawa ng kalalakad ko. Nang minulat ko ang aking mga mata,ang painting nakakabit sa dingding ang kaagad kung nakita. "Madam,tulungan naman ninyo akong mahanap ang anak ninyo,"parang temang na kinaka-usap ko iyong painting at kinakabahan rin dahil baka bigla na lang akong sagutin.Takot pa naman ako sa multo! Ngunit parang magic na lang n

