“Wala akong alam sa sinasabi niyo,” pagtatanggi ko dahil matinding akusa ang ibinaba sa akin ng mga pulis bilang salarin sa pagkamatay ni Mr. Roman. Maging ako ay hindi makapaniwala sa nangyari ito sa kaniya. “Maaaring mas madiin ka sa kaso mo Ms. Academia kung pilit mong itatanggi ang nakitang ebidensiya na ikaw ang huli niyang kausap,” Bigla ko naalala yung text pero hindi naman na ako nagreply pa. Agad kong tinawagan si Trone ngunit patay naman ang phone niya at ayaw ko sabihin kila nanay ang ganitong sitwasyon para hindi sila mag-alala. Humanap ako ng pwedeng abogado na makatulong sa akin at ang sabi ay magpapadala sila. Ilang oras na nakalilipas, nandito parin ako habang nakatingala sa kalawakan at iniisip ang posibleng mangyari sa akin. Makakatulog na yata ako ng biglang may isang

