“There’s a million reason to give up but there’s still one reason for us to fight,” Malakas ang ulan ngayon pero itinuloy pa rin ang klase. Hinatid ako ni Tiyo Joselito sa eskwelahan dahil iisa lang din naman ang dadaanan na aming kalsada. Pagkapasok ko ay wala masyadong estudyante at nagpapasalamat akong wala si Thea. Mukhang wala din sila sa mood na asarin ako kaya sana ay lagi na lang ganito. Pumasok na ang first subject namin na si Sir Samaniego at dumating ang isang guro, si Ms. Fuentez na pinapatawag daw ako sa office. Ang lahat ay napatingin sa direksyon ko at may tanong sa mga mata nila. Malakas loob ko dahil wala naman akong ginawa pero nakakapagtaka lang, anong kailangan nila sa akin? Pagkadating ko sa office, nakita ko si Mr. Academia sa loob dahil transparent glass ang pin

