JAHZARA: (FIRST PERSON) Naninibago yata sa akin si Rain dahil panaka-naka niya akong tinitignan habang nag mamaneho. Pabalik na kami ng Maynila ngayon at sobrang aga pa talaga. Ang sabi niya kailangan namin makarating ng maaga dahil may appointment siya. Nakakapagtaka lang ako ang assistant niya at wala akong alam na may schedule for appointment siya ngayon. Hindi nalang ako nag tanong pa dahil ang totoo may ibang bagay ang umuukupa sa isipan ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi doon sa bahay ni Tita Arin. Komportable naman ako doon pero ewan ko ba kung bakit parang maya't-maya ako nababalisa. Dumagdag pa yo'ng pamilyar na pamango na naamoy ko kanina bago paman kami maka-alis. Imposible naman na nandoon si Najee dahil si Rain na mismo ang nagsabi na hindi na okay si Tita Arin at si Naje

