JAHZARA: (FIRST POV) Bandang alas dos ng hapon ng mag-paalam ako kay Rain dahil ngayonng araw ang schedule ng ultrasound ko. Gustong-gusto niyang sumama kaso hindi ko siya pinayagan na samahan ako dahil hanggang ngayon ay nasa conference room pa rin sila. Walking distance lang ang clinic ng OB ko simula dito sa BNY kaya nilakad ko nalang. Puro mga stall at may ilang matatayog din na building ang nadadaanan ko kaya safe naman ang bawat daraanan ko. “Ow, I'm sorry!” saad ng isang lalaki na naka-itim na sumbrero nang masagi niya ang payong ko. Magkasalubong kami at nakita kong nakayuko siya kaya siguro hindi niya ako napansin o na may makakasalubong siya. “O-okay lang po,” nag aalangan kong saad sa kanya. Kaagad ko namang nahaplos ang tiyan ko dahil sinulyapan niya ng mabilis ang umbok

