JAHZARA: (FIRST PERSON POV) Nagitla ako ng makita ko kung paano ako nilalayo ni Rain mula sa mga bisig ni Najee. Parang sinabuyan ako ng malamig na tubig matapos balikan ang ilang minuto na yakap-yakap niya ako. Hindi ko tuloy maiwasan na sermonan ang aking sarili bago ibinaling ang paningin kay Rain na ngayon ay nakikipaglaban ng masakit na tinginan kay Najee. Humigpit ang paghawak sa akin ni Rain nang subukan na humakbang ni Najee para sana abutin ang kamay ko. Napa-urong agad ako ng tangayin ako ng pwersadong galaw ni Rain. “What’s going on here?” si Tita Arin na kakapasok lang ng kusina. Mag-isa lang ito na dumating. May kung anong kaguluhan ang nababasa ko sa kanyang mga mata habang pabalik-balik ang paningin sa aming tatlo ni Rain at Najee. Lihim kong nakagat ang ibabang labi d

