NAJEE: (THIRD PERSON POV) “Hijo,” untag ng matanda na ikinatingin niya sa gawi nito. Kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata ng matanda kaya hindi niya maiwasan na mahabag. Kinakastigo niya ang sarili dahil sa nararamdamang konsensya. “Alam kong may mali ang partido namin dahil sinagad namin ang pagkakataon na gumawa ng bagay na alam naming magiging dis-gusto para sa iyo...lalong-lalo sa Anak namin. At sa usaping 'yon hijo, sana ay mapatawad mo kami. Alam namin na labag sa loob ng Anak namin na gumawa ng hindi ka-aya-aya. Nagulat din kami at wala nang nagawa nang malaman namin ang ginawa ni Jahzara,” sunod-sunod na paliwanag ng matanda. Hindi siya nakahuma dahil sa sinseridad ng matanda. Pansamantalang na-agaw ang kanyang atensyon nang dumalo sa kanila si Nanay Esme. Nilapag nito ang

