JAHZARA: (FIRST PERSON POV) Nanay: Happy birthday, Ate namin, nawa'y gabayan ka palagi diyan ng panginoon. Sana maayos kang naka-kain diyan. Sana hindi ka nahihirapan sa sitwasyon mo diyan at sana nagpapakatatag ka diyan. Nak, pag pasenyahan mo na kung ikaw ang naipit dahil sa problema natin kay bunso. Alam kong may magandang dulot lahat ng nangyayari sa atin. Pasasaan at malalampasin din natin ito. Biyaya ka sa amin ng iyong tatay. Kayong dalawa ni Jasiah. Nak, happy 19th birthday ulit. Babawi kami kapag naka-pasyal ka dito sa bahay Anak. Mahal na mahal ka namin ng iyong tatay at ni bunso. Mag-iingat ka palagi, diyan, ha? Mapait akong ngumiti nang bumungad sa akin ang txt message ni Nanay. Dahil sa nangyari kagabi, hindi ko naalala na birthday ko pala ngayon. Hindi ko napigilan ang pa

