hindi maalis sakin sinabi ni dylan. nag tataka ako kung bakit ganun na lang mag salita si dylan. halos hindi ako nakatulog tuwing na aalala ko sinabi sakin ni dylan.
" alam ko may tinatago ka malalaman ko rin kung ano yun at bakit ka sumali sa basketball team."
hay nako erase erase. dapat hindi ko na isipin yun siguro nabitin lang si dylan kahapon dahil sa pang istorbo ko sa kanila nung babae niya.
" brrrrrrring brrrrrrring brrrrrrring "
na gulat ako dahil sa pag ring nang phone ko kinuha ko agad ito at sinagot tawag.
" hello, sino to? " tanong ko dahil hindi ko na tinignan kung sino tumawag.
" gaga ako to." sabi ni jas natawa na lang ako. dahil si jas lang naman lagi tumatawag at tinatawagan ko ..
" oh bakit naman? may kailangan ka ba sakin? " sabi ko kay jas. hindi pa lang sinasabi ni jas alam ko na sasabihin nito minsan kase puro chika at kung yayain ako nito lumabas.
" punta tayo bar yuri, mag celebrate tayo dahil nakapasok ka sa basketball team."
diba tama ako mag yaya lang yan para gumala.
" hmm ayaw ko wala ako sa mood."
" ano bayan kahapon pa dapat tayo nag bar kaso tulala ka naman eh! " sabi nito sakin dapat kase kahapon pa kami nakapag bar dahil usapan namin yun kaso hindi ako naka recover sa sinabi sakin ni dylan.
" ano yuri tulala ka naman ba ngayun! antagal mo sumagot! "
" Oo na mag bar na tayo. ingay mo namn kase! " agad ko pinatay ng tawag kase alam ko mag iingay lang si jas. binaba ko cellphone ko sa kama at pumunta sa cr para maligo.
pag katapos ko maligo ay nag bihis na ako napili ko suotin ay dress na pa v neck at hanggang tuhod ko ng haba. nag lagay narin ako light make up hindi na ako nag abala pa para itali ng buhok ko kase tinamad na ako.
nang matapos ako ay tinignan ko muna ang sarili ko sasalamin pag katapos ay nag lakad ako papapunta sala at kinuha ko na bag ko at susi ay lumabas na ako nang condo.
nang makarating ako parking lot ay nakita ko naman si dylan iba naman kasama babae. hindi na bago sakin kahit na kakakilala ko pa lang kay dylan halata kase na babaero ito o sadya lapitin lang talaga. aaminin ko una tingin ko pa lang kay dylan ay na gwapuhan na ako rito. pero iba ugali eh hindi ko malilimutan pag babanta nito sakin.
pinagmamasdan ko lang muna si dylan at kasama nito babae papunta sa kotse nila. malapit lang saan na kaparada kotse ko nagulat ako tumingin si dylan sa gawi ko kaya agad ako tumingin sa iba.
nung makaalis na sasakya nila dylan ay napabuntong hininga na lang ako. bat ba lagi ko nakikita lalaki yun sa dami dami tao pwede ko makita bat siya pa!
pag katapos ko mag isip nang kung ano ano ay nag lakad na ako sa kotse ko at pumasok sa loob at pinaandar ko. naalala ko kailangan ko pa tawagan si jas para sabihin mauuna na ako sa bar dahil tinamad na ako pumunta sa bahay nila ngayun. habang nag drive ako ay kinuha ko phone ko sa bag ko at tinawagan ko na si jas.
" brrrrrrring brrrrrrring brrrrrrring "
" hello, pinsan namiss mo ako." bungad sakin ni jas nang sagutin niya tawag ko.
" kailan ba kita namiss? "
" Ouch naman masyado ka naman ma harsh."
" hay nako jas dami mo dama tumawag lang ako para sabihin mauuna na ako sa bar. "
" okie, sige hintayin mo ako dun huh."
" sge, bilisan mo."
" pa otw na rin ako." nang marinig ko salita binigkas ni jas ay napa arko na kilay ko dahil sa mala filipino time nito dahil alam ko hihilata pa to sa kama niya.
" ay nako jas tigilan mo ako sa otw mo. bilisan mo na lang."
" yes sir haha." narinig ko malakas na tawa ni jas kaya sure ako baliw naman to pinasan ko.
binaba ko na tawag dahil wala kwenta kausap si jas. jusko nasa lahi na yata namin bat kase parang baliw si lola nung kabataan niya pa yan tuloy namana namin.
sa mahaba pag iisip ko ay sa wakas na karating narin ako sa bar.pag pasok ko pa lang sa bar ay naamoy ko na agad ng usok nang gagaling sa sigarilyo. at medyo nanibago mata ko dahil sa mga ilaw dito sa bar. tumingin ako sa banda gitna nakita ko sobra dami tao nag sasayaw sa dance floor.
nag lakad ako papunta counter muntik pa nga ako madapa dahil sa mga nag sasayaw. sa may gilid kase dumaan dami kase tao ngayun kaya wala ako masyado madaanan. pag karating ko sa counter ay nakita ko gwapo lalaki lumapit sakin.
" ma'am ano po sa inyo? " tanong ni pogi ay bartender yata siya rito. nag isip pa ako kung ano iinumin ko pero na pili ko mag ladies drink muna.
" vodka lime and soda na lang."
" okay po ma'am." sabay ngiti nito sakin at tumalikod para. gawin yung order ko.
wala pa ilang minuto ay binigay na niya sakin order ko. kinuha ko ito at ininum habang umiinom ako ay may naramdaman ako tumabi sakin nang tignan ko kung sino ay si kevin.
" hi, mag isa ka lang ba? " tanong sakin ni kevin na gulat pa ako kunti napahawak ako sa buhok ko at naalala ko na hindi pala ako naka disguise ngayun.
" hmm Oo bakit mo natanong?
" wala lang, pasensya na kung tumabi ako nawala paalam nakita ko kase wala ka kasama kaya tumabi na ako." tinignan ko ayos ni kevin pormado ito ngayun. naka long sleeve ito ngayun at bukas ilang botones nang kanya polo. hot niya tignan.
" ok lang namn." maikili ko sagot kaya kevin. ngumiti ito sakin at nag salita.
" may hinihintay ka ba? "
" meron yung pinsan ko usapan kase namin ngayun kami mag bar."
" hmm ganun ba, by the way ako nga pala si kevin." sabay abot nito kamay sakin.
"yuri." maikili sagot ko sabay at inabot ko kamay niya para makipag shake hands. nang pagkatapos mag pakilala ni kevin sakin ay nakipag kwentuhan ito sakin masaya kausap si kevin dahil madami ito corny na joke kahit hindi nakakatawa ay natatawa ako dahil sa corny mga joke niya.
una kilala ko pa lang kay kevin sa school ay alam ko mabait na ito. dahil nakikita halos lahat nakikilala niya ay ganun siya makisama marunong din ito sumabay sa trip at makisama.
ilang oras din nag tagal pag uusap namin medyo lasing narin ako dahil sa iniinum namin na Whiskey. mas pinili ko kase Whiskey na lang kesa vodka lime and soda. napanisin ko rin nga kanina parang kakilala ni kevin yung bartender kase nag usap dalawa kanina. hindi ko lang pinakinggan dahil hindi namn ako chismosa haha.
nag vibrate yung phone ko nakita ko tumatawag na si jas. diba sabi ko sa inyo nakapag landian na ako halos malasing na ako wala parin siya. agad ko sinagot tawag ni jas .
" yuri, sorry hindi ako makakapunta jan may emergency kase ako ginawa tumawag kase sakin kanina si dad eh." grabe talaga hindi man lang nag sabi si jas edi sana hindi ako nag hintay nang ilang oras dito.
" hoy bruha ka! hindi ka man lang nag edi sana nasa bahay ako ngayun nag papahinga. ikaw to nag yaya ikaw mag ninja sinasabi ko na nga ba yan mga style mo wala parin pinag bago jusko! "
halos lumabas na ugat ko sa noo dahil sa medyo lasing na ako ay hindi ko mapigilan sumigaw pag tingin ko sa ka tabi ko ay natatawa na to hindi ko ito pinagtunan nang pansin kase inis na inis na ako kay jas.
" sorry na pinsan babawi ako sa susunod sge na bye na may gagawin pa ako. ingat ka na lang sa pag uwi. " sabi ni jas at pinatay agad.
" aba bastos talaga to pinsan ko. wala hiya siya nag yaya tapos nag hintay ako sa wala! " nag gulat ako dahil tumawa si kevin at bartender.
" bat kayo tumatawa? wala naman nakakatawa huh! " sabi ko sa kanila alam ko pula pula na mukha ko dahil sa inis at sa kalasingan.
" wala pula pula ka na kase." sabi nang bartender. tumayo ako at nag lakad na palabas nang bar kahit madami sumasayaw sa gitna ay wala ako paki alam kahit mabangga ko sila. dahil sa gusto ko na umiwi dahil sa antok na ako. hindi pa ako nakakalabas nang bar ay hinila ako ni kevin.
" saan ka pupunta yuri? " tanong nito tumingin ako sa mukha nito nakita ko gwapo nito mukha halata nag aalala siya sakin dahil bigla ako umalis wala paalam.
" uuwi." lasing na sabi ko.
" hindi ka pwede umuwi na lasing ka. baka mapahamak ka sa ginagawa mo sabi nito sakin." hindi ko ito pinakinggan hinawi ko kamay nito nakahawak sa kamay ko at nag lakad na ako palabas nang bar .
nang makalabas ako nang bar ay agad ako lumapit sa kotse ko bubuksan ko na sana pinto ay hinawakan na agad ni kevin kamay ko.
" hahatid na lang kita yuri para hindi na ako mag alala sayo." sabi nito at kinuha susi sa kamay ko hinila niya ako papunta sa front seat nang kotse at pinaupo dun. pag katapos ay sinara niya pinto at pumunta sa driver seat.
nang makarating kami sa condo ko ay umalis na rin si kevin. hinatid niya lang daw ako para hindi ako mapahamak kinilig ako dahil sweet at maalaga si kevin.
sa sobra haba nang pag iisip ko ay hindi ko namalay nabanga ako. inangat ko tingin ko at nakita ko mukha ni dylan nakatingin lang ito sakin. at inabot nito kamay ko.
"okay ka lang ba miss? " bigla bumilis t***k nang puso ko kung kanina si kevin ngayun namn si dylan, bat ba kase lagi kita nakikita.