habang nag lalakad kami ni dylan ay wala kami pansinan. hanggang sa makarating kami sa kwarto namin.
" dito ka sa lapag matulog." huh ano pinagsasabi ng kumag na to.
" ha? " tinignan niya muna ako bago ulit siya nag salita.
" Ang sabi ko dito ka matulog sa lapag."
" hotdog." kinuha niya yung mga comforter at hinagis sa sahig.
" tumigil ka ng sa pagiging isip bata mo dyan ka matulog."
" aba bakit naman ako matutulog sa lapag kung pwede naman tayo mag tabi."
" ayaw ko tumabi sa bruha na katulad mo." kinuha ko yung kumot at hinampas sa kanya.
" edi kung gusto mo sa lapag ka matulog kung ayaw mo ako katabi sa lapag ka! " bago pa siya makapag salita ulit ay humiga na ako sa kama.
" aba malupet karin pala talaga no, tumayo ka jan bruha! "
" aba bakit ako tatayo kung ako na una humiga dito wala ka na choice. kung gusto mo sa lapag ka! " mabuti naman tumigil na siya.
mga ilang oras na nakalipas ay naramdaman ko na parang may humihila sa kumot ko. kaso pag mulat nang mata ko ay kasabay ng malakas na pag hila ni dylan kaya nahulog ako sa kama.
" ah sakit " napahawak ako sa likod ko. nang humupa sakit ay tumayo ako nakita ko si dylan ay nakahiga na sa kama. bwisit na dylan talaga to. hinila ko rin dahan dahan yung hinihigaan niya nang nakita ko na mumulat siya ay ginawa ko rin ginawa niya saki.
" ay puta! " kala mo ngayun huh.tumayo siya kaya bago siya makalapit sakin ay kinuha ko yung unan at hinampas siya.
" ano ba tumigil ka na inaantok na ako."
" bakit ikaw nag umpisa nito huh! "
" ano ako, kita mo naman tutulog na ako! "
" kung hindi mo sana ako hinulog sa kama edi sana masarap tulog mo gago! "
" ano ba tumigil ka na masakit na! " ano masakit ka jan kanina pa ako na iinis sayo bwisit ka.
" sobra na iinis ako sayo kanina pa! "
" huh ayaw mo talaga tumigil sige pag bibigyan kita! " lumayo sakin si dylan kumuha rin siya unan at ngayun nag hahampasan na kami. lintek na lang walang bawi.
mahigit isang oras kami nag habulan at nag hamapsan ng unan. nang mapagod kami ay napahiga kami sabay sa kama. nag katinginan kami at hindi sinasadya ay sabay kami natawa.
" hahaha mas lalo ka pumanget bruha."
" hahaha ako panget baka ikaw yun." ilang segundo rin kami nakatingin sa kisame hanggang sa nakatulog na ako.
pag gising ko ay sakit ng katawan ko sino ba hindi sasakit katawan kung grabe kami mag hampasan kagabi ni dylan. tumayo ako at pumunta sa cr pag tingin ko sa mukha ko ay grabe pala panget ko hindi ko pala natanggal yung make up ko dahil nakatulog ako kagabi. hindi ko na nahintay na makatulog si dylan pag labas ko ay nakita ko si dylan nakabihis na.
" tapos ka na ba mag asikaso? "
" Oo bakit? " ano naman kaya gagawin namin.
" pupunta tayo sa tagaytay." ayaw ko umalis gusto koblang muna mag pahinga buong araw kesa gumala nakakapagod.
" ano naman gagawin natin dun?"tanong ko kay dylan.
" manahimik ka na lang." hindi ko na lang pinansin sinabi ni dylan. nag lakad ako papunta kama at humiga.
" bingi ka ba bruha! " hindi ako bingi naririnig kita kaya manahimik ka jan. hindi ako nag salita habang nakatingin sa kanya.
" bilisan mo tumayo ka na jan bruha hindi mo ako maaakit sa patingin tingin mo sakin " sino ba may sabi na inaakit kita gago pala to eh. umalis ka na kung aalis ka basta dito lang ako manigas ka jan mag salita mag isa.
" pag di ka bumangon dyan bubuhusan kita tubig." hindi parin ako umimik kaya pinikit ko na lang mata ko. narinig ko pag bukas pintuan kaya akala ko umalis. maya maya lang ay narinig ko ulit pag bukas pinto. mga ilang segundo lang ay naramadaman ko na malamig na tubig.
" splashhhh "
tumayo agad ako at tinignan ko nang masama si dylan. pag hawak ko sa mukha ko putcha yung make up ko baka mabura. hindi ko na pinansin si dylan kinuha ko agad yung tuwalya at tumakbo sa cr.
" hindi pa naman waterproof yung make up ko." pag katapos ko maligo ay naalala ko di pala ako nakapag dala ng make up at damit dito sa cr. hindi namn ako pwede lumabas na wala make up at nakatapis mamaya marape ako ni dylan.
nasampal ko noo bakit ba ako nag iisip nang kung ano ano jukso miyo problema ko yung mukha ko. tumingin ako sa paligid ng cr nakita ko tissue kinuha ko at tinignan ko matagal bahala na. pag labas ko sa cr ay nakita ko si dylan nakaupo sa kama. nakita ko pag pipigil nang tawa ni dylan.
" hoy bruha, ano ginagawa mo sa buhay mo mas dumami ba tigyawat mo kaya ka binalutan mo mukha nang tissue mukha mummy hahaha " tumayo si dylan nag lakad papalapit sakin. hahawakan sana niya yung mukha ko kaso tinabig ko.
" dylan umalis ka nga jan wag mo ako inisin lalo dahil malapit na kita matiris." sabi ko sa kanya pag kahu ko ng damit at pouch ko na may laman na make up ay bumalik ako sa cr. pag sara ko pintuan cr ay narinig ko malakas na tawa ni dylan
"bwisit ka talaga dylan kahit kelan! "
pag katapos ko mag asikaso ay kinaladkad agad ako ni dylan. so ayun wala na ako nagawa kundi sumama sa kanya sa tagaytay. mga ilang minuto ay naka dating narin kami sa tagaytay. may rest house sila dito kay hindi na kami nag check in sa hotel. nag away pa nga kami kanina bago kase makadating rest house nila ay may nakita ako mcdo sa tawid naman ay jollibee so ayun nag talo pa kami kung saan order jollibee ba or mcdo parang gago lang diba.
malupet pa may drive thru naman bumaba pa siya. para bumili pag balik akala ko jollibee sa bumili pero putcha kfc naman bitbit niya. sumasakit lang ulo ko sa kumag nato.
" hoy bruha hindi ka lang pala panget baliw ka na rin pala." nawala ako sa iniisip ko ng mag salita si dylan.
" ano baliw sinasabi mo? may iniisip lang ako pati bakit porket tulala baliw na agad! "
" bakit di mo alam jan ka mag umpisa mabaliw." hindi talaga matino kausap to demonyo na to.
" hoy monyo tumigil ka na nga sa pag papansin mo hindi kita type kahit kasal tayo sa papel! "
" aba sa tingin mo ba magugustuhan kita sa mala panget mo mukha!" aba sumosobra na to bwisit na demonyo. imbis na patulan ko pa ay lumayo na lang ako pero bago ako pumunta sa kwarto ay nag salita ulit si dylan.
" yuri or yumi ewan ko kung ano ba talaga pangalan mo. aalis ako mamaya bukas pa ako uuwi kaya ikaw na bahala rito mag order ka na lang pag kain mo." tumingin ako kay dylan.
" kahit wag ka na bumalik! " bwisit bakit kase sumama pa ako dito kung iiwan rin naman pala niya ako. humiga ako sa kama at tinawagan ko si jas.
" oh tumawag si mrs miller haha" ayan agad bungad sakin ni jas.
" tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo jas."
" bakit ka ba kase tumatawag may sinusunda ako eh epal ka namn." haha mukha may tama naman si jas huh.
" ikaw na pala nag hahabol ngayun? "
" ano ako mag hahabol! "
" bakit hindi ba gawain mo yan eh haha "
" bilisan mo bakit ka ba kase tumawag? "
"ganto kase yun...etc " kwento ko kay jas lahat ng nangyari simula kagabi hanggang kanina. grabe tawa niya halos hindi na si makapag salita.
" hahahah totoo, grabe lough trip putcha! "
" tumigil ka na nga sa kakatawa mo! "
" bakit eh nakakatawa ngayun may asawa ka na pano ka na mamapasok sa school niyan ilang araw ka na absent papagalitan ng coach mo. okay lang sana kung katulad ni dylan nag paalam daw kamo sa coach niyo. umattend panga sa kasal niyo!" shet nakalimutan ko na pala ilang araw na ako wala paramdam simula nung nag asikaso ako sa kasal namin ni dylan.
" Oo nga ayun problema ko gagawa na lang ako paraan siguro tigil ko muna pag papangap ko bilang lalake."
" haha mabuti naman na isip mo na yan ako nahihirapan sayo eh."
" mag papangap namn ako bilang nerd."
" hahaha bahala ka na alam mo ba lintek galit nang mom at dad mo nung kasal mo grabe namn kase mukha mo kahit ako nasusuka sa sobra panget mo nung kasal mo lalo na itim na nga theme venue at reception pati ba naman wedding dress mo itim hahah! "
" haha bakit maganda namn huh."
" mabuti na lang kamo ay natitiis ka ni dylan yuri " mga ilang oras din kami nag usap ni dylan. nakatulugan ko narin nga panunuod all of us dead sa netflix.
pag gising ko wala parin si dylan pumunta ako sa kusina para tignan kung may laman ref may nakita ako bacon at itlog. siguro ito na lang muna lutuin ko pag katapos ko mag luto ay kumain muna ako. balak ko kase sana gumala ngayun habang wala masama espiritu ako kasama. habang kumain ako ay tinignan ko cellphone ko.
mga ilang saglit lang ay may nakita ako sa messenger na requested message kaya pindot ko kung sino pero pag pindot ko ay pic agad ni dylan at isang babae nag hahalikan sila.