1st Performance

1052 Words
[Jenneth] Bakla! Excited na ako sa unang performance natin. [Andrea] Kinakabahan nga ako eh! [Jenneth] Anu ka ba? Di ba naka ilang practise na tayo? Kabisado mo naman lahat ng steps, anu pang inaalala mo? [Andrea] May stage fright kasi ako. Baka magkamali ako, for sure mapapahiya na naman ako kay Robin. [Jenneth] Ayun naman pala. Hindi ka sa performance nagaalala, kundi kay Harry Potter. [Andrea] Ayaw ko kasing bigyan na naman sya ng dahilan para ipahiya ako. [Jenneth] Hay naku! Tigilan mo na nga yang kakaisip ng mga bagay na hindi pa nangyayare. Akong bahala sayo! Bawat baitang ay may hinandang performace para sa pag gunita ng buwan ng wika. Ang MMMHS Folk Dance Troupe naman ay may special performance para sa lahat. Kabilang sa sasayaw sila Jenneth at Andrea. Ito ang unang performance nila mula ng mapasali sila sa grupo. Tinawag na ng host ang MMMHS Folk Dance Troupe. Matapos nilang sumayaw ay nag exit na sila sa backstage. Pag labas ng mga dancers ay nakaabang ang grupo nila Robin sa kanila. [Calvin] Ang galing mo Jenneth! Hangang hanga si Robin sayo! [Nino] Oo nga! Bagay na bagay sayo ang costume nyo. [Jenneth] Paghanga ba yan or pangaasar? Tabe nga! Sinungitan ni Jenneth ang mga kaklase dahil yon kay Robin. [Jenneth] Tara na Andrea! Magliligpit pa tayo ng costumes at props. [Andrea] Andyan na! Wait lang! [Andrea's mind] Thank you Lord at hindi ako nagkamali. Pero bakit andito ang hambog na to sa labas? Ay oo nga pala! Si Jenneth ang sadya nya. Asa ka na naman girl? Mabilis na nakaiwas si Jenneth at Andrea sa grupo nila Robin at umakyat na sila sa auditorium para ayusin ang mga ginamit nilang costume at props. Habang inilalagay ni Andrea ang ibang props sa taas ng storage ay na-out of balance sya. Muntik na syang mahulog nang may biglang sumalo sa kanya. Nagkalapit ang kanilang mga katawan at 1 inch na lamang ang pagitan nang kanilang mga labi. Matagal silang nagkatitigan sa ganung posisyon. Bigla namang umiwas si Robin. [Andrea] Uhm.. Salamat! [Robin] Sa susunod kasi magiingat ka at wag kang tatanga-tanga! [Andrea] Anu kamo? Aksidente ang nangyare edi sana hindi mo na ako sinalo! Teka nga, bakit ka nga pala andito? [Robin] Uhm.. napadaan lang ako. [Andrea] Alam ko na! Wala dito si Jenneth. Andun sa mga costumes side. Puntahan mo! Pagkasabe nun ay lumabas na sya sa stock room ng mga props at pinuntahan si Jenneth. [Andrea] Bakla! May naghahanap sayo. [Jenneth] Ha? Sino naman? Ngumuso si Andrea at itinuro ang grupo nila Robin na nagkkwentuhan sa may hagdanan ng auditorium. [Jenneth] Panu mo naman nasabeng hinahanap nya ako? [Andrea] Andun kasi sya sa stock room kanina. Sino pa bang pupuntahan nya dun di ba? [Jenneth] Eh anung nangyare sa stock room? [Andrea] Ha? Anu namang mangyayare? Namumula si Andrea ng maalala kung paanong muntik ng magdikit ang mga labi nila ni Robin. [Jenneth] Bakit ka namumula dyan? Bakla ka! Anung ginawa nyo ha? [Andrea] Tumigil ka nga dyan bakla! Hinahanap ka nga nya. Kaya sabe ko, nandito ka sa may costumes. [Jenneth] Kung yun lang, bakit namumula ka? Crush mo nga talaga si Harry Potter! [Andrea] May crush na kung may crush! Tumigil ka lang. [Jenneth] My God! Umamim din ang Dyosa. [Andrea] Hoy! May makarinig sayo! [Grace] Meron nga! Narinig ko... Tinakpan ni Andrea ang bibig ni Grace para pigilan pa ang sasabihin nito. Masayang masaya ang tatlong ngkikilitiaan at nagaasaran. Back to reality. [Robin] Bilisan lang natin ang practise. Babalik ako ng hospital mamaya para sunduin sila. [Eugene] Sino ba dun ang babalikan mo? [Robin] Mga kaklase ko yun nung high school, natural lang na tulungan ko sila di ba? [Eugene] Bakit parang may something sa inyo nung Andrea? Hindi na sumagot pa si Robin. Nag ensayo na ang grupo nila at gaya ng inaasahan mabilis lang yon natapos. Nagmamadali namang umalis si Robin para bumalik sa hospital. [Eugene] Brad, samahan kita! [Robin] Sige, tara na! Sinabihan ng Doctor si Jenneth na pwede nang lumabas si Grace. Inasikaso naman ni Andrea ang documents sa cashier habang inaayos ni Jenneth ang mga gamit nila. Pag dating ng hospital nila Robin ay dumiretso na sila sa ward kung asan si Grace. [Jenneth] Oh bumalik kayo. [Robin] Hahatid na namin kayo pauwe baka mahirapan pa kayong sumakay. [Jenneth] May mga taxi naman sa labas. Hindi ka na dapat nag-abala. [Robin] Nandito na rin kame, kaya ako na lang ang magddrive sa inyo pauwe. [Jenneth] Okay. Hintayin lang natin si Andrea. Nagulat si Andrea nang makita sila Robin at Eugene sa ward ni Grace. Hindi na sya nagsalita at sinenyasan na lamang si Jenneth na pwede na silang umuwe. Binuhat naman nila Robin at Eugene ang mga gamit nilang tatlo. Inalalayan nila Jenneth at Andrea si Grace papasok sa backseat ng sasakyan ni Robin. Walang nagsasalita sa kanilang lahat sa loob ng sasakyan nang basagin ni Grace ang katahimikan. [Grace] Salamat sa inyong lahat. Sorry naabala ko pa kayo. [Jenneth] Wow! At may kunsensya ka pa pala! Haha! [Andrea] Wag ka na ngang mang asar bakla. Naaksidente na nga tong babae na to! Ang kulit kasi, sabe ng magdahan dahan! [Grace] Grabe sya! Pinigilan mo nga si Jenneth, nanermon ka naman! Natawanan ang tatlo sa likod ng sasakyan. [Robin] Nandito na tayo. Brad paki-tulungan sila sa gamit, park ko lang ang sasakyan. [Eugene] Sige brad! Sunod ka na lang. Inalalayan ni Andrea at Jenneth si Grace papasok sa unit nila habang si Eugene naman ay nakasunod at bitbit ang mga gamit nila. Maya-maya lamang ay nag doorbell na si Robin. [Jenneth] Bakla, ikaw na magbukas please. Naghahanda pa ako ng mahahain sa kanila. Wala nang nagawa si Andrea at sya na nga ang nagbukas ng pinto. Alam nilang lahat na si Robin ang nag doorbell at sinadya ni Jenneth na si Andrea ang utusan para magbukas ng pinto. Sandaling nagkatitigan sila Robin at Andrea. [Andrea] Pasok ka! Tumango lang si Robin at pumasok na din ito. Tumabi sya sa sofa kung saan naka upo si Eugene. Saktong tapos na si Jenneth sa paghahanda ng merienda para sa kanilang lahat. Inilapag nya sa lamesa ang pizza, pasta at desserts na inorder nila sa Pizza Hut. [Robin's mind] Princess ko, ang lapit mo na pero ang layo pa rin ng loob mo sakin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD