ANG lahat ng agam-agam niya ay tuluyan ng naglaho sa sinabi ni Simon. Sapat na sa kanya ngayon ang mga pinangako nito para mapanatag ang kanyang loob. She look at the wall clock at natataranta siyang napabangon ng makita ang oras. Quarter to eight. Malalim nalang siyang napabuntong-hininga nang maisip na marahil nakaalis na ito. Bago kasi mag alas siyete y medya ay umaalis na ito papunta sa trabaho. Nitong mga nagdaang araw ay gumigising siya ng maaga, dahil gusto niyang makita ang binata bago ito pumasok. Seeing him in the morning and waiting for him at night is what makes her complete. Pakiramdam niya, asawang-asawa ang dating niya. She giggled at the thought. Sana kay dali lang lumipas ang apat na taon. Pahinamad niyang kinuha ang kanyang towel, ang balak ay maligo muna bago punta

