Irish POV Binigyan ko ng 1k ang bata tuwang-tuwa naman ito. "Salamat po, Ma'am pagpalain po, kayo ng panginoon?" ngiting sabi nito at umalis sa harap ko. Napangiti ako dahil kahit papaano naka tulong ako sa mga bata. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Bigla ako nagutom kaya tumayo ako upang bumili ng pagkain ko. Ngunit bigla naman tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag sa cellphone ko. Si Iya pala ang tumawag sa akin. Nilagay ko sa tenga ko ang cellphone ko. "Hello?" seryosong bungad ko sa kabilang linya. "Boss, saan po, kayo?" tanong nito sa akin. "Nasa park ako, Iya?" sagot ko dito. " Boss! Pupunta ako dyan sa' yo, may kailangan kang malaman," sabi nito sa akin. "Sige hintayin kita dito sa park," sagot ko dito. Bina

