Irish POV "Miss, may amnesia sya, ngunit hindi natin alam kung alam bumalik ang alala mo," pahayag nito sa akin. Kung ganun totoo ang sinabi nang magulang ni Frank. "Doc! Anong pwede kong gawin upang bumalik ang alaala ko?" saad ko dito. "Pumunta ka sa lugar na dati mong pipuntahan," saad nito sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dati. Hindi ko alam kung saan ako dati namalagi. "Ah, ang sakit naman isipin," bulong ng aking sarili. "Hija, wag mong pilitin ang sarili mo. Narito kami upang tumulong sa' yo!" bungad ni Tita sa akin. Hindi nagtagal lumabas si Frank. Hindi nya kasama ang epal nyang ex-girlfriend. Siguro kung sa akin lang iyon mahina na ako magpakita sa dati kong kasintahan. Pero itong babaeng ito hindi man lang na hiya. "Mommy, anong resulta?" tanong nito sa

