Chapter 8

2054 Words
Irish POV "Dalhin iyan sa bartolina wag na wag nyo, pakawalan dahil may kailangan pa akong tanungin sa hinayupak na ito?" utos ko sa tauhan ko. Pinasok nila ang dalawang nagtangkang pumasok dito. Isang ngisi ang pinakawalan ko. Malalaki ang katawan nila ngunit nagawa pa nilang magnakaw. "Kayo, hindi nyo, man lang naramadaman na may pumasok sa loob anong sibli nyo upang magbanta. Naka tulog ba kayo ha?" sigaw ko sa mga ito. "Paumanhin Boss nag banyo lang po ako," saad nito sa akin. "Stop! Hindi ko kailangan ang paliwanag mo ang kailangan ko serbisyo mo. Ang bago-bago mo pa dito puro parpak na lang ang ginawa mo. "Hindi na po ma-uulit Boss?" yukong sabi ito. "Balik sa trabaho kapag naulit ito," wika ko dito. Seryoso ako tumingin sa lalaki. Kinikilitis ko ang katawan nito bago ako tumalikod. Sinundan ko ang tauhan ko papasok sa bartina. Pagdating sa loob tinali nila ng kadena ang bihag na nahuli ko. Paggising nila bukas magugulat na lang sila kung bakit narito sila. "Boss mukhang hindi sila kabalan na gaya ng inakala natin. Tanging kutsilyo lang ang dala nila ni baril wala," anya ni Yen sa akin. "Wag tayo kampante baka tauhan ito ni Kenny. Nga pala bakit hindi man lang tumawag si Aisa sa akin." Nag-alala na ako doon kahit text hindi man lang nagpadala sa akin," untag ko dito. "Boss, siguro nahihirapan sya pumasok sa loob kilala ko naman si Aisa. Tatawag rin naman yun sa' yo?" saad nito sa akin." Nawala ang antok ko sa dalawang ito. Inabutan na ako mukhang liwayway dito sa bartolina kung nasaan ang walang silbing mga lalaking ito. Hindi nagtagal nagising na ang dalawa mula sa pagtulog. "Good morning" mukhang masarap ang tulog nyo!" seryosong sabi ko sa dalawa. "Si-Sino ka?" tanong nito sa akin. "Ako ang may-ari ng bahay na ninakawan nyo. Ang malas nyo dahil ako ang unang naka kita sa inyo. Kung ako sa inyo magdasal na kayo!" untag ko dito. "A- Anong gagawin mo sa amin?" tanong nito sa akin. "Kamatayan ang hatol ko sa inyo. Hindi naman ako papayag na patuloy pa rin kayo sa inyong ginawa," wika ko dito. "Wag po' kaya po namin nagawa iyon dahil nasa hospital po, ang anak ko." Kailangan nya po ng malaking halaga upang ma operahan ito," mahinang sabi nito sa akin. "Marami naman trabaho na pwede mong pagkakitaan pero bakit nagnakaw pa!" seryosong sabi ko dito. "Ma'am, kahit magtrabaho ako habang buhay sa' yo, wag mo lang ako patayin pinagsisihan ko ang aking ginagawa. Gipit lang po ako kaya nagawa ko ito. Pwede po, ako dito magtrabaho kung papayag ka?" saad nito sa akin. "Pag-isipan ko kung tatanggapin ko. Kailan ba ang operation ng anak mo?" tanong ko dito. "Bukas na po, ma'am hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera dahil kahit isang piso wala ako," muling sabi nito sa akin. Bigla ako na awa sa lalaki. Ngunit hindi ko ito pinapakita sa kanya ayaw ko na sabihin nya ako na mahina. "Saan hospital sya naka confined Manong kapag nagsinungaling ka sa akin alam mo na buhay mo ang kapalit kilala mo ako!" banta ko dito. "Opo, hindi po ako tatakas dito pangako po ma'am, nasa Pasig po," mahinang boses nito. "Good dahil dito pa lang babarilin na kita." "Ikaw ano naman ang dahilan mo?" turo ko sa isa. "Ma'am, kamamatay lang po ng Lola ko hindi po sya pwedeng ilabas kung hindi kumpleto ang bayad sa hospital. Driver lang po ako ng pedicap," iyaj nitong sabi sa akin. "Eh, bakit kayo magkasabay," muling tanong ko dito. "Nagkita po kami sa hospital ganun rin po ang problema nya kaya nag-usap kami na hahanap kami ng pera," paliwanag nito sa akin. "Bakit, hindi kayo lumapit sa government baka matulungan nila kayo. Kapag sa iba kulungan ang aabutin nyo," sermon ko sa kanila. "Naka ilang balik na po kami sa kanila pero hindi nila kami pinapansin sabi pa, nila pabigat raw kami sa lipunan. Kaya umalis na lang kami," pahayag nito sa akin. May mga ganun talaga akala nila sila na ang mayaman sa mundo. "Sige may kundisyon ako kung yun ay papayag kayo. Tutulungan ko kayo pero magtrabaho kayo sa akin," saad ko dito. "Sige po handa po, kami maglingkod sa inyo ma'am," sabi ng dalawa sa akin. "Yen, puntahan mo ang hospital na tinutukoy ng lalaki?" utos ko dito." "Opo, Boss?" sang-ayon nito sa akin. Gusto ko lang siguraduhin kung totoo ang sinasabi nito maramo kasi manloloko sa panahon ngayon. Mahirap kumita ng pera sa ngayon kaya ang iba nagnanakaw na lang ito. Hindi ko mu na tinanggal ang kadena sa kamay ng dalawa. Iniwan ko sila sa loon. Inutusan ko ang katulong na magluto para sa dalawa. Hindi nagtagal tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking pantalon. Agad ko ito nilagay sa tenga. "Hello!" seryosong bungad ko sa kabilang linya. "Boss, naka pasok na po, ako sa kumpanya ni Kenny. Hindi pa ako gaano naka kilos dahil naka bantay sila bawat sa kilos ko," mahabang salaysay nito sa akin. "Sige wag ka mu na magmadali darating naman tayo dyan. Ang importante naka pasok ka na sa loob," sagot ko dito. "Opo, Boss!" sang-ayon nito sa kabilang linya. Maasahan talaga ang babaent iyon. Pagkatapos namin mag-usap nilagay ko ulit sa bulsa ko. "Boss?" bukad ni Rico sa akin," "Anong balita sa lalaking gusto akong maka usap?" tanong ko dito. "Boss, ayon sa akin nalaman magkaibigan ang ama mo at ang ama ni Frank," wika nito sa akin. "Ano naman kung magkaibigan ang magulang nya at si Daddy. Ang gusto ko, malaman anong pakay nya sa akin bakit gustong-gusto nya ako maka usap?" seryosong tanong ko dito. "May bakanteng lote po, kayo na gustong-gusto nya bilhin upang tayuan ng hotel," saad nito sa akin. "What?" Hindi maari hindi ko iyon ipagbili sa iba dahil may balak akong gawin sa lupang iyon. Marami interesado sa lupang iyon pero ni isa walang nagtagumpay na bilhin ito?" mahabang salaysay ko dito. Tumango lang sa akin si Rico. "Sabihin mo, sa kanya na hindi ko ipagbenta sa kanya," utos ko dito. Hindi nya ako makuha sa lambing nya dahil yun lang ang regalo sa akin ni Daddy. Umalis si Rico upang kausapin ang lalaki. Isa pa itong lalaking ito dumagdag rin sa problema ko. "Frank-Frank balang araw magkikita rin tayo," bulong ng aking isipan. Wala na ako oras gumala tulad ng ibang babae dahil puro negosyo ang inatupag ko. Kahit sarili kong kaligayahan hindi ko na napunan. Lumipas isang oras muling tumunog ang cellphone ko nakita ko ri Rico ang tumawag. Inangat ko ang tawag nito sabay lagay sa tenga ko. "Hello? Miss Anderson?" boses ng lalaki akala ko si Rico ito bakit nasa kanya ang cellphone ng tauhan ko. "Bakit nasa sa' yo, ang cellphone ni Rico!" seryosong bungad ko sa kabilang linya. "Kung gusto mo, makuha ang tauhan mo puntahan mo ako mismo sa kumpanya ko?" wika nito sa akin. "Nagpapatawa ka ba, lalaki akala mo ba, natakot ako sa mga banta mo. Eh ano naman ngayon kung saktan mo ang tauhan ko. Nangdamay ka pa ng tao alam mo na awa ako sa' yo, dahil pinipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw sa' yo?" ngising sabi ko sa kabilang linya. "Sige, bahala ka' wag mo, ako sisihin kapag nawala ang lalaking ito sayang magaling pa naman pagdating sa serbisyo," wika nito sa akin. Habang nagsalita pa ito pinatay ko na ang tawag nito. Nangigil ako sa lalaking iyon siguro kapag nasa harap ko ito bugbog sarado ang lalaki. Wala pa ni isa na hamonin ako. Kailangan kong puntahan si Rico sa kumpanya nito. "Yen, magbihis ka may pupuntahan tayo?" utos ko dito." "Sige po, Boss," sang-ayon nito sa akin. Nagbihis ako ng pang old fashion upang mas lalo nainis sa akin ang lalaki. Ang pagka alam ko ayaw ng lalaki ang lumang fashion gusto nila yung halos kaluluwa mo ay makikita nila. Ngunit ibahin nila ako dahil hindi ako gaya ng gusto nila. Nagsusuot naman ako sexy ngunit kapag may occasion lamang. Dati sinabi ni Mommy at Daddy kung babae ba ako dahil puro damit pang lalaki ang gusto ko. Naglagay ako ng camera sa buhok ko. Pagsisihan nya na kinalaban nya ako. Naglagay ako ng pekeng nunal sa taas ng aking ilong. Para tuloy akong manang sa itsura ko. "Tapos,ka na na? Yen kung tapos ka na tara na gusto ko maka tikim sa akin ang lalaking iyon hindi nya ako kilala kung ano ang pagkatao ko. Kahit kaibigan pa ng Daddy nya ang Daddy ko wala akong pakialam tutal sya naman ang nauna kaya ako ang tatapos," mahabang salaysay ko dito. "Ma'am, ako na lang kaya ang pupunta upang maturuan ang lalaking iyon," saad nito sa akin. "Hindi sasama ako, ako ang gusto ng lalaking iyon. Gamitin mo ang sasakyan maglagay ka na rin ng armas dahil baka may kalaban tayo masagupaan sa daan," sabi ko dito. Sabay kami lumabas ng bahay. Pagdating sa labas agad ako pumasok sa sasakyan si Yen ang nagmaneho. Habang nasa sasakyan ako naka ramdam ako na hindi maganda. Tumingin ako sa labas wala naman naka sunod sa amin. Lumipas kalahating oras naka rating kami sa kumpanya ni Frank. Nauna bumaba si Yen at sumunod naman ako. Isang malamin na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako humakbang papasok sa loob ng kumpanya ng lalaki. Nakatingin sa amin ang mga staff. Siguro nagtaka sila kung ano ang ginagawa ko dito. Hindi naman ako pupunta kung wala akong gagawin dito. "Ma'am, ano po' ang ginagawa nyo dito?" tanong ng babae sa akin. "Sa Boss nyo, sabihin mo, narito ako?" wika ko dito. "Ma'am may appointment po, ba kayo kay Boss?" muling tanong nito sa akin. "Ang amo mo ang may kailangan sa akin. Hindi ko kailangan magpa, appointment sa kanya dahil sya mismo ang nagpapunta sa akin. "Ma'am, kung wala pwede na po, kayo umalis dito dahil yun ang sinasabi ni Boss sa amin. Kahit pinapunta ka, dito kung hindi ka naman naka appointment useless lang ito," wika nito sabay taas ng kilay sa akin. "Tawagan mo ngayon rin ang amo mo babae dahil hindi mo gusto ang gagawin ko sa' yo?" banta ko dito." "Huh? Akala mo natatakot ako sa' yo, sa itsura mo nga hindi na maganda ugali mo pa kaya. Guard paalisin nyo, ang dalawang ito kung nagpupumilit pumasok tumawag kayo ng pulis?" sabi nito sa guard. Sa sobrang inis ko hinawakan ko ito sa ulo sabay hila palabas ng kinaroroonan ko. Binigyan ko ito ng sampal upang matauhan ito. "Yan ang dapat sa' yo, babae sabihin mo, sa walang kwentang amo mo,maghihiganti ako sa kanya!" seryosong sabi ko dito. Hindi ko nilabas ang baril ko dahil ayaw ko maging issue sa kalaban ko. Umalis kami ni Yen sa kumpanya sabay paharurot ng sasakyan. "Boss, bakit hindi mo pinadugo ang labi ng babaeng iyon," wika ni Yen sa akin." "Sapat na yun upang matakot sya sa akin. Oras na maulit papatayin ko na lang ito upang hindi maulit ang ginagawa nya sa ibang tao," pahayag ko dito. "Saan, mo balak pumunta ngayon Boss," muling tanong nya sa akin. "Pupunta tayo sa burol ni Daddy at Mommy. Mamayang gabi na lang Tayo uuwi sa bahay," sagot ko dito." "So kung ganun kailangan natin bumili ng bulaklak para sa dalawa mong magulang," saad nito sa akin. "Sige may nagtitinda naman sa tabi ng burol ni Daddy at Mommy," sang-ayon ko dito. Namiss ko bigla ang magulang ko. Nakikita ko ang nga ngiti nila habang nasa sasakyan kami. Sabi nga nila kailangan lubusin natin ang ating pagmamahal sa magulang dahil hindi natin malalaman bukas o sa pangalawa mawawala na pala sila sa atin. Nagsisi ako kung bakit hindi ko sila palagi nakasama dahil busy palagi sila sa kanilang negosyo. Sinamantala ng kalaban namin habang nasa byahe ang magulang ko. Maya't-maya nakarating kami sa burol ng magulang ko. Pinagbuksan ako ng pinto ni Yen. Pagdating ko sa burol may bagong bulaklak naka lagay dito. Sino kaya ang bagong dumalaw dito. Nilagay ko lang sa gilid ang bulaklak. "Daddy, Mommy" nandito na po, ako?" malambing na sabi ko dito. Hinaplos ko ang semento pakiramdam ko nasa paligid lang ito. "Daddy tulungan mo naman ako sa problema ko," wag mo ako hayaan mag-isa dahil hindi ko kaya," bulong ng utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD