KABANATA 7

1142 Words
Ang biglaang pag uwi ni kuya noong nakaraan ay naghatid sa akin ng panibagong takot na maulit na naman ang nangyari,patagal ng patagal ang lihim na namagitan sa amin ay kinakain na rin ako ng aking konsensya ayokong maging unfair ky Adrian kaya nakapagdesisyon na lang ako na hiwalayan siya,sira na ang pagkatao ko at ayokong maging parte si Adrian neto. Ilang araw ding napapadalas ang pag uwi ko ng maaga sa bahay lumiliban na nga ako sa ibang activities namin sa paaralan napapansin ko kasi na palagi akong nanghihina konting galaw ko lang nahihilo agad ako pinagwalang bahala ko na lang ngunit hindi ito nakaligtas sa paningin ni nanay. "Nak hindi ka ba papasok ngayon?" takang tanong niya sa akin,hindi kasi agad ako nakabangon kanina parang hirap akong tumayo. "May nararamdaman akong kakaiba kasi nay" pikit matang sagot ko sa kanya na nakahiga lang sa kama,hinawakan niya ako sa noo. "Naku nak may lagnat ka at ang putla-putla mo" pag aalala niya sa akin sabay kuha ng gamot sa kusina,pinabangon niya ako at pinainom ng gamot. "Si mama Via muna ang mag aasikaso sa tindahan nak walang mag aalaga sayo dito" aniya na hinimas himas ang ulo ko. Nakatulugan ko ang ganong eksena kahit dalaga na ako hinahanap ko pa rin ang pag aaruga ni nanay lumaki kasi akong kay kuya lang naka depende tuwing magkakasakit ako. Hindi muna ako pumasok ng ilang araw mas lalo kasi akong nanghihina kahit may gamot na akong iniinom,kinagabihan nagtaka pa ako dahil may bimpo na sa ulo ko nakita ko si kuya nakaupo sa tabi ko tulog ito,hindi ko na pala namalayan ang pagdating niya tiyak pinaalam nila nanay ang nangyari sa akin kaya siguro napauwi siya ng wala sa oras. Kinabukasan nkapagdesisyon na si Nanay na dalhin ako sa hospital hindi na rin siya kumportable sa kakaibang nangyari sa akin ihahatid sana kami ni kuya ngunit hindi pumayag si nanay dahil mahihirapan daw akong sumakay ng motor sa kalagayan ko,sinirado muna nila ang tindahan namin sa palengke. "Mgpapahatid na lang kami ng traysikel nak ipagluto mo na lang kami ng sabaw pag uwi namin mya" tumango naman si kuya at hinawakan ako para ihatid sa labas,naiwan si mama via na nag aalala rin ang mukha. Ilang oras din kaming nagtagal sa hospital dahil hinintay pa ang resulta ng test sa akin,maya maya pa lumabas ang doctor at kinausap si nanay nagpaiwan lng ako sa labas. Paglabas niya sa loob ng clinic kung saan sila ng uusap ng doctor nagtaka ako dahil malamlam na ang mata ni nanay parang galing sa pag iyak at hindi niya na rin ako kinibo,pagdating namin sa loob ng bahay sinalubong agad kami ni mama Via nasiplatan ko pa si kuya sa kusina na ngluluto. "Oh Ara kumusta na ano daw sakit ni Lily ha" pag aalalang tanong ni mama na palipat lipat ng tingin sa aming dalawa. Ngunit ganon pa rin hindi siya kumibo hanggang sa dumating kami sa sala at humagolhol si nanay ng iyak na ikinabahala namin at bigla akong hinarap ni nanay at malakas na sinampal! "Saan kami ngkulang sayo ha Lily?" Hilam sa luha na kinausap ako ni nanay hawak hawak ko ang aking panga dahil sa sakit ng sampal niya.pati sina mama at kuya nabigla na rin sa inasal niya "Sagutin mo ako Lily saan ako nagkulang sayo!! histerikal niyang sabi at pinagsasampal at sinabunutan na niya ako habang umiiyak.. "Ano ba Ara tama na yan!sinasaktan mo na si Lily ano ba talaga ang nangyari ha"! galit na rin si mama via sa inasta ni nanay napatakbo pa bigla si kuya sa kinaruruunan ko galing kusina at niyakap iniiwas ang aking katawan sa nghihisterikal kong ina. "Sinong ama ng dinadala mooooo ha lily!!!! Magsalita kaaaaa!!! sigaw niya sa akin na ikinapatda namin. Kahit si mama via napatigil sa pag awat na nakatingin sa akin,nagsimula ng umagos ang aking luha sa realisasyon, ngayon pa talaga ng proseso sa isip ko ang mga katagang binitawan ni nanay.. "Ako..buntis..buntis..ako" tulala kong sabi na hindi makapaniwala at hindi matanggap ng isipan ko... bigla na naman niya akong sinabunutan ulit pinapaamin sa akin ang kalagayan ko hindi na ako magkandamayaw sa pag iyak habang si kuya tahimik lamang na iniharang ang katawan niya para hindi ako mahablot ni nanay. "Ayw mo talagang magsalita ha!"nanglilisik na ang mata niya sa galit pati si nanay Via inaawat na siyA ng biglang nagsalita si kuya. "Ako ang ama ng dinadala ni Lily" tuwid na sabi ni kuya na hindi ko nakitaan ng takot ang sagot niya. Kinagabihan mula ng nangyari kanina ang komusyon naming apat mas nakahihindik pa ang naganap,nawalan ng malay si nanay at sinampal ni mama ng ilang ulit si kuya naalala ko pa ang mga masasakit na salitang ibinato ni nanay kay kuya. "Mag impake ka dahil sa susunod na linggo ipapadala na kita sa States!doon ka na titira sa kapatid ko!" Napatda si kuya sa sinabi ni mama pati rin ako na nakikinig na umiiyak sa gilid,ito pala ang kondisyon ng kapatid ni mama sa kanya kapalit ng tulong sa lahat,aampunin si kuya at doon magpapatuloy sa pag aaral. "Akala ko ibang iba ka sa ama mo pero mas masahol ka pa pala sa kanya sarili mong kapatid pinatos mo masahol pa kayo sa hayop! asik ni mama sa amin,iniwan niya kami ni kuya sa sala bitbit niya si nanay na hindi tumitigil sa pag iyak nilapitan ako ni kuya pero itinulak ko agad siya at tumakbo na rin sa silid ko. Madaling araw na,hindi pa rin ako dalawin ng antok tuliro ang utak ko hindi alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng buhay ko ngayong may bagong buhay na umusbong sa sinapupunan ko ang masaklap pa galing pa sa isang imoral na pagkakabuo.. Narinig ko pang mahinang nag uusap sina mama at via sa kusina tulad ko alam kong hindi rin sila nakatulog. "Anong plano natin ngayon sa kalagayan ni Lily" malungkot na saad ni mama "Bakit ganito ang parusa sa atin ng panginoon Via? hanggang ngayon ba hindi pa rin niya tayo napapatawad sa ginawa natin noon bakit sa mga anak pa natin nangyayari ang ganito" hikbi ni nanay. "Magkapatid sila Via at ang dinadala ni Lily ay parang kapatid na rin nila" iyak na sabi niya,habang ang kamay ay nasa sintido niya naguguluhan. "Ewan ko Ara naguguluhan na rin ako hindi ko lubos maisip na nangyayari to sa pamilya natin kaya sa lalong madaling panahon kailangan ng makaalis dito ni Gred isusugal ko tong lahat Ara para sa kapakanan natin titiisin kong malayo sa anak ko hindi ko maatim ang ginawa niya mismo pa talaga sa kapati niya!marami na tayong sinakripisyo para sa kanila ayokong kutyain tayo ulit ng mapaghusgang mga tao sa paligid natin Ara kaya't sa ayw at sa gusto mo at sa mga anak natin ipapalaglag ko ang dinadala ni Lily!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD