Kabanata 14 (The truth)

1743 Words
"Julia gising!! Anong oras na, nandito ako sa labas ng bahay mo!!! sigaw ni nicole mula sa labas ng bahay. "teka anong oras naba? Tanong ko sa sarili ko at agad kinuha ang phone pero ayaw nitong bumukas panigurado lowbat ito at nakalimutan ko nanamang icharge, Kinuha ko ang charger sa cabinet at agad itong sinaksak at pagkatapos ay lumabas naako ng bahay dahil alam kong kanina pa nakatayo dun si nicole. "julia bat ang tagal mo? Kanina pako dito, nakakahiya naririnig nako ng mga kapit bahay mo dito" pagtatampo nito pagkatapos kong buksan ang gate "Diba may susi akong binigay sayo bat hindi mo ginamit? Tanong ko dito "Yun nanga besh nakalimutan ko kung saan ko nilagay, hanapin konalang next time, hayaan mo hahanapin kodin yun, teka teka may hang over kaba? tanong nito "Meron, naparami kase yung inom ko kagabe hindi ko namalayan na anong oras na pala"sagot ko "ikaw ah dika nag yaya saken gumimik kang mag isa ah talaga naman ang bessy ko" nakasimagot naman nitong saad "kasama ko si Mr.montaire may meeting siya dun sa bar na lagi nating pinupuntahan, kaya sinama niya ko as a secretary niya" saad ko "So anong eksena? Nagpakalasing ka para maalala yung guy nayun, alam mo besh para kang tanga sa part nayan hindi ko alam na aabot nadyan yung pagiging loka loka mo sa paghahanap sa lalaking yun e mukang nagtatago naman yun" natatawang saad nito. Habang nakikinig ako sa sinasabe ni nicole may bigla akong naalala kagabe at pakiramdam ko nakita ko ang lalaking yun. "w-wait nicole, n-nakita kona siya" nauutal kong saad "Sino? Wag mong sabihin na nakita mona yung lalaking naka one night stand mo 6 years ago yung lalaking pogi na nagtago mahigit anim na taon" takang sagot nito "Oo nakita kona siya, yung mga mata niya nakita ko kagabe hindi kolang maalala kung saan pero nagkita kami bess maniwala nakita kosiya alalang alala ko yung mga matang yun sobrang familiar saken at sigurado akong siya yun. "sure ka? Nasiya nayun? e paano ka naman nakakasiguro e hindi mo nga alam kung anong itsura nh guy tapos sasabihin mo ngayon nakita mo na siya naguguluhan ako sayo bess" saad nito na maging ako ay nalito "Tama ka hindi ko nga maalala yung muka niya pero sure ako na siya yun" sagot ko "wait niwanagan mo nga ako paano mo nasabeng siya yun? tanong nito "Ano yung mga mata niya tapos yung pakiramdam ko iba parang siya talaga yun tapos yung boses niya na malalim siya yun talaga nicole" saad ko Ano pang hinihintay natin tara na, puntahan nanatin yung bar nayun kung saan nandun yung lalaking sinasabe mo bess" paghila nito saaken "Pero pano? Paano kung wala nanaman siya? aasa nanaman ako sa nakita ko "Tignan natin sa cctv ng bar nayun,diba sinabe mo na hindi mo matandaan yung muka niya pero nakita mosiya kagabe kaya once na makita natin yung cctv ngayon malalaman muna kung ano ang itsura niya at madali nanatin siyang mahahanap, maniwala kasaken julia sure ako ito nayun mahahanap mona siya. "O-oo nga pero may trabaho ako nicole pero w-wait pahiram ako ng phone mag papaalam lang ako kay Mr.montaire. "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Mr.montaire na hindi ako makakapasok ngayon pero sinubukan ko parin" agad kong ipinikit ang mga mata ko sa takot na baka magalit ito pero nagulat ako sa message nito. "Oh anong sabe ng boss mo? Tanong ni nicole "magpahinga namuna daw ako" agad akong pumasok ng kwarto ko para magbihis. »»» "Ngayon ay nasa tapat nakami ng bar, pero kinakabahan ako hindi ko alam kung bakit pero parang pakiramdam ko malapit nako sa part na parang malalaman kona ang lahat, at medyo hindi pako handa yun ang totoo. "ito nayun besh, mapapanatag nayang isip mo once na malaman nanatin kung sino yung lalaking hindi mawala sa isip mo. pumasok kami ng bar at itinuro ko kung saan kami unang nag meet nung lalaking yun at kung saan ko siya nakita kagabe, kahit na hindi rin ako sigurado kung nakita koba talaga siya dito sa lugar nato. "Tignan natin sa cctv Julia,siguro naman may record sila sa pwesto nato. Habang paulit ulit pinaplay yung record ng cctv malinaw na mag isa lang akong umiinom kagabe, bawat ulit ay nagkakatitingan kami ni nicole na para bang ang tanga ko sa part na sinabe ko na nakita ko siya. "Hanggang dito nalang po yung kuha ng cctv miss" saad nung lalaking kanina pa pakamot kamot dahil sa paulit ulit na pag play ng cctv. "Sigurado po ba kayo kuya, wala pobang na delete na kuha kagabe? Pagtatanong ni nicole. "Wala napo miss ito napo yung sagad" sagot naman nito na nagpalungkot lalo saaken. "Pero kuya pwede poba makita yung record ng cctv 6 years ago? Nagbabaka sakaling tanong ko "yan po ang bawal miss" sagot nito "Pero bakit po kuya? Tanong ko ulit dito at napahawak naman ito sa ulo. "Ewan kopo basta yun lang ang alam ko, mahigpit na pinagbabawal samen na pakialaman yung mga kuha ng cctv 6 years ago. "okay lang yan besh may pagasa patayo" pag comfort saken ni nicole. "Paglabas namen ng cctv room agad naman tumunog ang phone ni nicole na panigurado maiiwan nanaman akong mag isa dito sa bar nato. "Nako besh pinapapunta ako ng boss ko ngayon sa opisina hindi ako pwedeng hindi sumunod panigurado tanggal agad ako" malungkot na saad nito "sige na nicole puntahan muna. "pano ka? wala kanang kasama. "okay lang uuwi nadin ako" sagot ko "Sige besh, i love you byee" pagpapaalam nito at nagdali daling lumabas ng main door ng bar nato. Ako ngayon ay mag isa inilibot ko lamang ang aking mga mata sa paligid at ipinangako na hindi ko na hahanapin yung lalaking yun na kakalimutin kona yung nangyare samen nung gabeng yun, Huminga ako ng malalim at sinimulan ang paglalakad, kasabay ng pagkalimot sa hindi maintindihan na nararamdaman. "Habang naglalakad ako palabas ng bar nato isang binata ang tumawag saken. "Miss! Sigaw nito kaya agad naman akong lumingon "Miss nahulog mo yung wallet mo kanina habang naglalakad ka" saad nito "Ah salamat" agad ko namang kinuha ang wallet ko "T-teka miss nagkita naba tayo? Tanong nito at naguluhan naman ako. "A-ah hindi pa bakit? Takang tanong ko "Tama ikaw yun" natutuwang saad nito "Ang alin? pagtataka ko dahil sa naging reaksyon nito "ikaw yung babae sa bar nato 6 years ago tamang tama nandito ka sa pwesto nato umiinom kasama mo yung lalaking mayaman na muntik manakawan nung gabeng yun" sa sinabe niyang yun ay unti unting nagkakaroon ng ngiti sa puso ko. "teka sino kaba? pag tatanong ko dahil naguguluhan ako kung bakit alam niya. "ang daya ikaw tanda ko pero ako hindi, ako yung bartender ng bar nato 6 years ago pero hindi nako nag tratrabaho dito ngayon dumalaw lang ako ngayon kase na miss ko, sakto nakita kita. "Ah ikaw pala yung bartender, sorry kung hindi kita nakilala medyo lasing kase ako nunh gabeng yun kaya ganon. "Okay lang, pero alam mo sinabe saken nung lalaking yun na kung sakali makita kita tawagan ko daw siya. "A-ano? Nauutal na sabe ko "pero sa yaman nun mukang hindi niya naman na kailangan ng tulong ko, siguro nagkita nadin kayo. Sa sinabe niyang yun ay hindi ako sumagot. "Tanda mo parin ba kung anong pangalan nung lalaking yun? Tanong ko "ah teka ano nga ulit pangalan nun, mon...ay ewan basta mon yun, ay oo nga pala binigyan niya ko ng business card niya" sagot nito at kinuha ang wallet nito (Lord please ibigay niyo na saken to) "ito buti nandito pa sa wallet ko medyo gusot nadin 6 years banaman" natatawang saad nito at nag paalam na saken dahil may lakad padaw ito. Lumabas nako ng bar, natataranta dala dala ang business card na hanggang ngayon hindi koparin tinitignan, nasa kamay kona ang matagal konang hinihintay. idinilat ko ang ang nakapikit kung mga mata at sa nakita ko ay bigla ko itong nabitawan. "C-Clark Montaire? Bakit ang pangalan ni Mr.montaire ang nasa business card nato. "Siya ba yung lalaking yun, iisa lang ba sila nung lalaking nakasama ko 6 years ago, hindi... hindi si Mr.montaire yun nag kakamali lang yung lalaking nag bigay nito. "Biglang nag sink in sa isip ko na si Mr.montaire ang kasama ko kagabe na yung mga mata niya pati yung mga mata nung lalaking yun ay iisa yung boses na malalim siya yun. Pero pano? mga katungan na gumugulo sa isipan ko "nasa harap kona yung katotohanan pero bakita parang hindi ako naniniwala sa nakikita ko at naaalala ko. Umuwi ako ng bahay at bumagsak nalang ang katawan ko sa higaan dahil sa mga nalaman ko, na yung taong matagal konang hinahanap ay boss ko pala, yung boss kopa na nakakasama ko lagi sa opisina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, pero okay nayun na alam kona kung sino yung lalaking yun at sa wakas after 6 years siya lang pala yun. "pupunta ako, gusto kong itanong sa kanya na bakit binigyan niya ko ng pera pagkatapos ng gabeng yun bakit iniwanan niya ko ng letter na nag sasabe na kalimutan kona ang lahat?, pero pano? pano kung sabihin niya na isang pagkakamali lang yun pero hindi e para saken hindi yun basta lang pagkakamali, pero bakit iniwan niya ko ng ganon ganon nalang pagkatapos ng nangyare samen? namatay yung magulang ko dahil sa pagkakamali ko. Magulo ang isip ko pero sinubukan ko parin na pumunta ng opisina. Habang nagluluha luha akong papunta ng office niya nakita kosiyang yakap yakap si Trixie at dito nako natauhan at nag sink in sa aken na engaged napala siya kay Trixie at malapit na silang ikasal. Tumakbo ako palabas ng company nato kahit kaka punta kolang sapat na yung nakita ko para itigil at kalimutan ang lahat, dahil sa kabila ng tuwa ko ng malaman na si Mr.montaire ganon naman ang sakit na kapalit ng makitang hindi kona pwedeng ipilit pa ang sarili ko sa isang taong matagal ng may iba. "Ang tanga tanga ko, isang pagkakamali lang yun bakit nag hahangad ako na sana siya yung lalaking maka sama ko habang buhay, bakit ba kase ako umasa na hanapin siya at sabihin pa yun kahit na alam kung masasaktan lang din naman ako kapag ginawa ko payun. "Ganon nalang ba kadali na kalimutan yun pag katapos mong kunin ang p********e ko. "Bakit? pagtulo ng luha ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD