NAKANGITING niyakap ni Halina ang unang pagkahiga sa kama. Pakiramdam niya, ngayon lang ulit gumalaw ang mundo niya. ‘Yong dating kilig na nararamdaman kay Goddy, bumalik. Para siyang nabunutan ng tinik. Saka iba ang ngiti niya kanina habang pauwi. Naalala niya kung gaano siya kasaya after na makita si Goddy noon, at ganito siya nang ihatid siya nito ngayon. Gusto niya sanang matulog doon pero hindi na pumayag si Goddy. Biglang nagbago ang isip nito. Baka raw hindi ito makapagpigil. Himala nga dahil nagpaka-gentleman ito. Pagdating ni Goddy sa apartment nito ay tinawagan siya nito. Mahigit isang oras din silang nag-usap bago natulog. Ah, pinagalitan na naman siya nito dahil hindi nga niya kinain ang niluto nito. Talagang binawi pala nito kay Fanny ang pagkain dahil nga may sweet words n

