KAKALAPAG lang ni Goddy kay Halina sa kama nang magsalita ang huli.
“Salamat,” aniya.
Ito na yata ang pinaka sinserong sabi niya mula nang magkita sila ni Goddy.
Wala silang imikan mula pa kanina kaya ngayon lang niya nasabi. Wala man lang itong tinatanong sa kanya kung sino ang babaeng iyon.
Nilingon siya ng binata. “Walang anuman, Ma’am. Kahit sino naman po siguro sa makakakita, tutulungan ka.”
“Really?” sa mapaklang patanong na sabi niya.
“O-opo.”
“Hindi ko akalaing may ibang tutulong pa pala sa akin after ng mga ginawa ko.” Mapakla siyang ngumiti. “Alam mo bang hindi lang siya ang naipatanggal ko sa kumpanya ko? Marami na.” Nagbaba pa siya nang tingin sa kamay.
Hindi ito umimik.
“Kaya hindi ko siya maalala. Si Gayle at Olivia lang ang naaalala ko dahil recent lang sila.” Tumingin siya rito nang deretso. “Ang bilis kong magpalit, ‘di ba?”
“W-wala naman po kaming karapatang magkuwestyon. Kumpanya niyo ho at rules niyo. Sino lang naman ho ba kami? Kaya ang choice na lang namin, maghanap ng ibang mapapasukan.”
Siya naman ang hindi nakaimik.
Kaunting pagkakamali lang ay pinapatanggal niya ang isang empleyado niya. Napagtanto niyang hindi makatarungan ang mga ginawa niya noon. Na-realize niya lang kanina habang may nakatutok na kutsilyo sa kanya. Nagkaroon nang malaking impact sa babaeng iyon ang kasalanan niya. Kaya hindi na siya pumalag dahil deserve niyang masaktan.
Sa dami nang ginawa niyang kasalanan sa mga naging empleyado niya, hindi malabong balikan nga siya ng mga ito. Hindi malabong maningil ang mga ito sa kanya paisa-isa.
“So, ’yan ang gagawin mo kung sakaling pinatanggal kita?”
Matagal siya nitong tinitigan.
“Before Olivia, ikaw dapat ang ipapatanggal ko,”
“P-pero hindi mo ginawa kaya hindi ko alam ang isasagot, Ma’am.”
“What if nga?”
“M-ma’am,”
“Gusto kong marinig ang sagot mo Goddy.” Parang gusto niyang isatinig ang, ‘Kasi ’yon ang balak kong gawin after makuha ang UMB’
Nagpakawala muna ito nang buntonghininga bago sumagot, “Kung mangyari man ho ‘yan sa akin, baka uuwi na lang po muna ako sa probinsya para maalagaan ang Tatay kong maysakit at ang kapatid kong naaksidente,” seryosong sagot nito na ikinaawang niya.
“M-may sakit si Mang Ruben?”
Tumango ito. “Ilang beses hong na-stroke at inatake sa puso,”
“S-sa kapatid mo. A-ano naman ang nangyari?”
“Nabangga ho siya ng sasakyan. Naapektuhan ang paa niya kay hirap ho siyang makalakad ngayon.”
“S-so, sa ’yo sila umaasa?” Paano pa niya mapapatanggal ito kung ganito kalaki ang problema nito.
“Oho.”
“Bakit ka uuwi kung sa ‘yo pala sila umaasa? Akala ko ba maghahanap ka ng trabaho?!” halos pasigaw niyang sabi rito.
Sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Goddy.
“Relax po. Hindi niyo naman ako ipatatanggal, ‘di ba?”
Napalunok siya sa naging tanong nito. Hindi niya alam kung paano ito sagutin. Kanina gusto niya, pero nang malamang ito ang bumubuhay sa ama at kapatid nito, nakokonsensya siya.
Halik lang naman ang dahilan kung bakit niya ito gustong paalisin sa kumpanya nila. Takot siyang maging umpisa iyon ng lahat. Kaya hindi na dapat ito magtrabaho sa kanya.
“Ma’am?” untag nito.
Napahilot siya ng noo niya. “Umuwi ka na nga lang, Goddy. Please?”
“Bakit ho kasi ayaw niyo akong sagutin?”
“Dahil ayoko!”
“‘Wag niyo hong sabihing may plano ho kayo?”
Napapikit siya.
“Umuwi ka na nga sabi, e.”
Imbes na umalis ay naupo ito sa kama niya.
“Dahil ho ba sa pagtulog ko rito?”
“H-hindi,” aniya at nag-iwas nang tingin. Binaba niya rin iyon at sa mga daliri na lang tinuon ang tingin.
“Hindi pero hindi ka makatingin sa akin.”
“G-Goddy,” anas niya nang itaas nito mukha niya.
“Sabihin mo nga sa akin, may iba pa ba akong ginawa kaya gusto mo akong paalisin?”
Napatitig siya rito. “W-wala kang maalala?”
“So, meron nga?”
Napalabi siya kaya sa labi niya ito tumingin. Inulit niya pa kaya napalunok na ito.
“P-pwede bang ‘wag kang lumabi, ma’am?”
“Huh?” Naguguluhan niyang tanong.
“Sabi ko ho, ’wag ka hong lumabi kasi nate-tempt akong halikan ka,” saad nitong ikinaawang niya ng labi.
“B-bakit mo na naman ako hahalikan, huh? Gusto mo ba talagang matanggal ka?”
Tumaas ang kilay ng binata. May nakita rin siyang ngiti sa labi nito.
“Tatanggalin mo ako dahil hinalikan kita? So, hindi panaginip iyon?” Halata ang saya sa mukha nito.
“Bakit parang masaya ka n matatanggal ka?”
“Masaya ako dahil totoong hinalikan kita.” Umusog ito palapit sa kanya kaya binalaan niya ito.
“‘Wag kang lumapit, Goddy!”
“Sasamantalahin ko na since tatanggalin mo pala ako, e.”
Napalunok siya. Alam niya ang ibig nitong sabihin.
“Isa. ’wag kang lalapit!” banta niya nang muli itong kumilos. “Goddy—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa mabilis na pagkilos nito. Basta namalayan na lang niya, sakop na nito ang labi niya. At ang dila nito ay unti-unti na ring naglulumikot. Sobrang higpit rin nang yakap nito kaya wala siyang pagkakataong pumalag.
“Ohh, Halina,” anas nito nang saglit itong bumitaw ito sa labi niya.
Akmang magsasalita siya nang muli nitong selyuhan ang labi niya. Kasunod niyon ang paggiya nito sa kanya pahiga.
“Akala ko talaga panaginip lang iyon. Mabuti na lang at sinabi mo,” anas nito nang muli itong bumitaw.
Parang gusto niyang magsisi. Hindi naman pala nito maalala, e! Ayan tuloy hinalikan na naman siya nito.
“Gusto mo ba talagang matanggal sa trabaho, Goddy?”
“Gusto ko. Kung ito lang naman ang kapalit,” mabilis na sagot nito, sabay diin ulit ng labi sa kanya.
Sa pagkakataong iyon, mas naging agresibo ang binata kaya hindi na niya nakontrol ang sarili, napatugon siya na lalong ikinalalim ng halik na iyon. Ang mga kamay nito ay namasyal na sa katawan niya na may halong pisil.
“Ohh, Goddy,” ungol ni Halina nang maramdaman ang labi nito bandang tainga niya. Bahagyang nanginig rin siya nang sakupin nito ang earlobe. Napahigpit pa ang kapit niya sa damit nito dahil kasabay niyon ang pagsakop rin ng kamay nito sa dibdib niya.
“Hindi totoong may asawa ka. Tama?”
Napaangat siya nang tingin kaya nagtama ang mga mata nila.
“What do you think?” aniya. Bigla siyang bumalik sa sarili. Kung kailan hindi ito nakainom saka siya napainom.
“Wala.”
Ngumisi siya rito. “Meron. Kaya umalis ka sa ibabaw ko dahil baka pauwi na ’yon.”
Hindi ito umalis, bagkos diniin nito ang sarili sa kanya. Kinapa nito ang kamay niya at tinaas.
“Meron pero wala akong makitang singsing? Ilang beses na akong nakapasok dito pero ni isa wala akong makitang wedding pictures niyo.” Ngumiti pa ang binata. “Saka parang hindi ka marunong tumugon ng halik. ”
Naningkit ang mata niya sa narinig. “Anong hindi? Wow, huh?!”
Kinurot niya ito kaya bahagyang lumayo ito. Sinamantala niya iyon para itulak ito pahiga sa kabilang side niya.
“Oh, sh*t, Halina!” daing nito nang basta na lang siya kumubabaw dito.
“Pikit,” utos niya.
Natawa ito. “Hindi ko alam na wild—”
“Pumikit ka sabi!”
“Ayan na, ma’am.” Pumikit naman ito.
Inilapit niya ang mukha rito kaya bahagyang bumuka ang labi nito. Akala siguro nito hahalikan niya.
“Aray!” daing nito nang kagatin niya ang ibabang labi nito. Mabilis na umalis siya sa ibabaw nito at bumaba ng kama. Pumasok din siya sa banyo at ini-lock iyon.
“Umuwi ka na, Goddy!”
“Okay! Hintayin ko na lang ang notice bukas!”
Aba! Mas gusto nitong mawalan ng trabaho? Paano ang pamilya nito?
Napailing na lang si Halina. Pero ano ba kasing nangyayari dito? Bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin?
Sa pag-aakalang lumabas na si Goddy, binuksan niya ang pintuan ng banyo. Gayon na lang ang pagkagulat niya nang makitang nakasandal ito sa pader malapit sa pintuan. Hindi na siya nakalayo nang haklitin nito ang beywang niya at mapusok na sinakop ang labi niya. Matagal na naghinang ang labi nila. Kaya naman habol nila ang paghinga nang bumitaw ang binata.
“Asahan mong maaga mong matatanggap ang notice mo,” aniya rito.
“Okay. Uwi rin ako agad pagkatanggap. Sigurado akong immediate ‘yan.” Ngumiti ito sa kanya. Humakbang din ito papunta sa pintuan.
Napalunok siya nang tumigil si Goddy. Nilingon siya nitong nakangiti pa rin.
“Anong oras ang out mo? Sunduin kita,”
“Ako? Susunduin mo? May sasakyan ka ba?”
Natawa ito. “So, gusto mo ngang sunduin kita?”
“No! May sasakyan ako.”
“Eh ‘di, ako ang magmamaneho. Mahirap na baka balikan ka ulit.”
Natigilan siya sa sinabi nito.
“Hindi ko kailangan ng driver, meron ako niyan.”
Parang sasakit yata ang ulo niya sa kakulitan nito.
“Ah, basta, susunduin kita. Hintayin kita sa labas. Kailangang worth it ang sacrifice ko.” Sabay hakbang nito.
“Sandali nga!” Huminto naman ang binata. “Fine! Hindi na kita tatanggalin. Okay? Kaya tigilan mo na itong kalokohan mo!”
“Thank you, ma’am! Sana masarap ang tulog mo ngayong gabi.”
Napailing na lang siya habang hinahatid ito nang tingin.
Saka lang siya naupo nang marinig ang pag-lock ng pintuan mula sa labas.
Tumingin siya sa higaan niyang nagulo na. Napalunok siya nang isa-isang binalikan ang nangyari kanina. Pakiramdam niya, parang nasa tabi lang niya ang binata. Hindi na maalis-alis ang amoy nito na nakakapadagdag ng init na nararamdaman niya ngayon.
Bumalik na lang siya sa banyo para mag-halfbath. Saka lang pumasok ulit ang ang nangyari sa restaurant kanina.
Nabaling pala kay Goddy ang atensyon niya. Nawala sa isipan niya ang ginawa ng babaeng iyon.
Bigla tuloy pumasok sa isipan niya si Gayle. Sa pagkakatanda niya, lumuhod din ito sa kanya sa bar. Matindi rin iyon kaya sana hindi siya nito balikan oras na magkrus ang landas nila.
Bago siya natulog ay nagpadala siya ng mensahe kay Fanny. Gusto niyang ipakuha rito ang copy ng cctv sa area na iyon. At para alam nito ang mga gagawin, naikuwento na niya rito kung bakit bigla siyang umuwi. Kaya ang sabi nito, bukas nito ibibigay ang buong pangalan ng babaeng iyon. Isa lang ang sigurado siya, hindi si Gayle iyon.
Bakit ba kasi kinalimutan na niya ang mga naging empleyado niya? What if nakasulubong pala niya?
Akmang ibabato niya ang cellphone sa kama nang makatanggap ng mensahe.
Goddy: Mukhang hindi na naman ako makakatulog sa halik mo, Ma’am. Kaya bukas ulit, paisa po, huh? Sleep tight, ma’am.