Chapter 19: Untitled (hahahha di ko lam ilalagay na title)

2036 Words
NASA sala lang si Halina, at tunog ng mga kasangkapan na mga ginagamit ni Goddy sa pagluluto ang naririnig niya. Nakabukas ang TV nito pero hininaan niya dahil mas gusto niyang marinig ang tunog mula sa kusina. Para siyang misis na naghihintay sa asawang nagluluto. Ang sarap sa pakiramdam. Gusto niya sanang sumilip pero pinipigilan niya ang sarili dahil sa nangyari kanina. Habang tumatagal, nagiging agresibo si Goddy. Kinakabahan na siya dahil baka kung saan pa iyon humantong. Nagdududa pa siya sa totoong intensyon nito. Pero ang puso niya, sigurado na at naniniwala kay Goddy. Pumikit na lang siya. Hindi naman siya matutulog dahil parang musika pa sa pandinig niya ang mga tunog mula sa kusina, dagdag pa ang aroma. Nakakagutom. Kaya hindi talaga siya makatulog. Ilang sandali lang ay narinig niya ang yabag ni Goddy. Hindi naman kalakihan ang apartment nito kaya alam niyang mararating agad nito ang kinaroroonan niya. Nagmulat siya ng mata nang maramdaman ang presensya nito sa gilid niya. Bumaling siya rito. Sobrang lapit ng mukha nito kaya muntik nang magdikit na naman ang labi nila. “Ready na ang mesa,” anito. Tumayo siya at humakbang na papunta sa kusina. Sinabayan siya nito hanggang sa makarating sa kusina. Bahagyang umawang ang labi niya makita ang ayos ng mesa. Kaya naman pala pamilyar sa kanya ang naamoy, beef steak ang iniluto nito. At hindi lang iyon, naka-sizzling plate pa at may wine ito! “Wow,” hindi niya maiwasang sabihin. “Okay ba?” “Yeah. I like it.” Buming siya rito. “I’m glad hindi ito date. Hindi ako maiilang.” Muli niyang tiningnan ang set up, ang ganda ng plating. Glass ang table nito kaya ang ganda rin tingnan ang pagkakaayos nito. Nagpatiuna si Goddy sa upuan para ipaghila siya nito. Bakit ba parang date ang dating? “Thanks.” “Welcome.” Sinindihan nito ang kandilang nasa gitna. Kumunot ang noo niya nang makita ang projector sa gilid. Binuksan din nito at tinapat sa puting-puti na pader. Dahil may ilaw pa, hindi pa klaro sa kanya ang naka-play doon. May nakabukas din na laptop. “Ano ’yan?” Ngumiti ito sa kanya. Lumapit ito sa switch at pinatay lahat ng ilaw. Saka lang niya napagtantong view ’yon ng isang lugar sa Italy— sa Grand Canal. Sa video, tanaw ang mga nakasakay sa gondola. At para rin silang nakasakay sa gondola at kumukuha ng video. Saka ang background, instrumental. Romantic. Gustong ngumiti ni Halina pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang ipakita rito dahil tinitimbang pa niya. Napatingin siya sa binata nang maramdaman ang kamay nitong pumatong sa kamay niya. “Sa ngayon, ito lang ang kaya ko. Kapag okay na si Tatay at ang kapatid ko, madadala rin kita dyan,” masuyong sabi nito. “O-okay,” tipid niya na lang na sabi. Speechless nga siya. Hindi niya talaga ini-expect na gagawin nito ang bagay na ito. Hindi naman siya after sa material dahil meron na siya niyan. Mga ganitong moments ang gusto niya. Kaya talagang na-appreciate niya ang effort nito. Dumagdag sa puntos ni Goddy ang paghiwa nito sa steak niya. Hindi ito date pero feeling niya date talaga, e. Kinikilig siya sa mga kilos nito. Pinagsisilbihan pa siya. Hindi pa sila tapos nang tumayo ito para palitan ang tugtog. Naging love song. English siya pero hindi niya alam ang title. “Maari bang maistorbo kita, ma’am?” Sabay lahad nito ng kamay. “A-anong gagawin?” “Gusto kitang maisayaw,” “Oh,” “Please?” Lumabi si Halina bago tinanggap ang kamay nito. Masuyo ang bawat kilos nito. Naramdaman niya nang hapitin siya nito. Parang hindi ang Goddy na agresibo kanina. Wala silang imikan nang magsimula silang sumabay sa tugtog. “A-ano ba ’tong mga paandar mo,” aniya sa mahina lang. Ang hirap kasing aminin sa harapan nito. “Hindi mo ba nagustuhan?” tanong nito. “O-okay lang.” “Puro okay lang ang sagot mo.” “Eh, wala akong masabi, e.” “Meaning, amazed ka kasi hindi ka makapagsalita. Tama? So, gusto mo nga?” At talagang sinilip pa siya nito. Umiwas siya nang tingin. “Tumingin ka sa akin, Halina.” “Pwede bang sumayaw na lang tayo? Ang dami mong alam.” “Siyempre, gusto ko lang marinig.” “Sumagot na nga ako ng okay. Kulang pa ba ’yon?” “Sincere na sagot lang naman ang gusto kong marinig.” “Fine! Medyo na-touch mo ako. Okay na ba?” Ngumiti ito sa kanya nang matamis. “Pwede na ’yan,” nakangiting sabi nito. Katahimikan ang namayani sa kanila mayamaya. Hindi niya rin mahagilap ang sarili dahil sa s yang nararamdaman niya. kapag bumuka ang labi niya, baka masabi lang niya. Ayaw niyang bumigay nang ganito kabilis. “Alam kong hindi mo pa ako mapatawad. Pero lahat gagawin ko para makuha ang tiwala at matamis mong oo,” mahabang litanya nito na ikinaangat niya nang tingin rito. “Alam mo bang nagsisisi ako?” “S-saan?” “Kung binigyan lang kita nang pagkakataon noon, b-baka may mga anak na tayo ngayon. Masaya,” Hindi napigilan ni Halina ang matawa. Anak agad? Hindi ba pwedeng matagal na magkarelasyon? “Ayaw mo, e. Kaya ayon, para kang sumusungkit ng star sa hirap,” “Kaya nga, e.” Sumilay ang ngiti nito. “Pero may falling star, ’di ba? Kaya alam kong mahulog ka rin sa akin.” Natampal niya ito sa dibdib. Natawa rin siya kaya ganoon din ito. Sinandal niya ang ulo sa dibdib nito. Humigpit din ang yakap nito. Matagal din sila ss ganoong posisyon bago nag-angat nang tingin dito. “Bakit hindi kayo nagtagal ni Pia?” bigla na lang niyang naitanong. Tumitig ito sa kanya. “O-okay lang sa ’yo na magkwento ako?” Tumango siya rito. “Well, marami kaming hindi napapagkasunduan. Mas marami ang away namin kay sa maging masaya. Ayoko ng ganoon. Kasi hindi iyon ang kinalakhan ko. Kahit na sobrang hirap kami, bihira ko lang marinig ang magulang kong mag-away dahil sa pera. Pero kami? Madalas. Sa sobrang dalas, parehas kaming nagsawa. Hanggang sa magkasundo kaming maghiwalay.” Natawa si Goddy pero hindi gaya kanina, hindi niya makita ang saya mukha nito. “B-bakit? Nagsama ba kayo?” Tumango ang binata. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. Talagang may nararadaman pa siya rito. “Oo. Sinubukan namin. Sabi kasi nila, makikilala niyo ang isa’t-isa kapag magsama kayo. Ayon,” “D-dahil sa pera lang kaya kayo nag-aaway?” “Hindi lang dahil sa pera. Hindi rin sila magkasundo ni Tatay. Lagi silang nagtatalo hanggang sa dumating sa puntong pinapapili niya ako.” “H-hindi mo siya pinili?” “Pinili ko siya noong una dahil responsibilidad ko siya. May nangyari na sa amin, e. Pero iba gusto niyang putulin ko ang relasyon kay Tatay. Palihim akong nagbibigay, e Nalaman niya. Paano raw kami makakaipon para sa binubuo naming pamilya kung lagi silang nandyan? Oo naiintindihan ko ang ibig niya, tama naman para makapag ipon, pero ang gusto niya nga, ‘wag ko nang kontakin. Ni piso ayaw na niyang mag-abot ako. Hindi ko kayang balewalain si Tatay. Sobra ang sakripisyo niya para sa amin ng kapatid ko tapos iiwan ko siya sa ere? Saka iba rin ang pagtrato niya kay Tatay kapag wala ako noon. Huli ko na ito nalaman. Nakita mismo ng mga kapitbahay ko kaya doon ako nagsimulang magrebelde sa kanya. Lagi na kaming nag-aaway. Kasi kilala ko si Tatay, kaya hindi ko matanggap ang ginawa niya. At nahal ko ang pamilya ko, Halina. Kung hindi dahil kay Tatay, wala ako ngayon. Kaya walang pwedeng magdikta sa akin na putulin ko ang ugnayan sa kanila. Hindi ko kaya.” “H-hindi ko alam ang sasabihin,” ani na lang niya. “Alam kong medyo redflag ako dahil mas inuna ko ang pamilya ko, pero hindi lahat ng magulang ay malupit at iresponsable. Sila ang tipong hindi mo kayang talikuran. Dahil naging mabuti sila sa ’yo. Tapos na stroke pa siya. Kaya ba ng konsensya kong pabayaan siya? H-hindi, Halina.” Medyo gumaralgal na ang boses nito. Bumitaw siya kay Goddy. Sinapo niya ang magkabilaang pisngi nito. “Hey, hindi ka redflag, okay? Mabuti kang anak at partner. Pinili mo pa nga siya, e. Pero kilala ko rin si Mang Ruben, mabait siya. Maraming may gusto sa kaniya noon kaya siya minahal ng mga estudyante. Kaya sa tingin ko, na kay Pia ang problema, wala sa inyo ni Mang Ruben.” Napatitig ito sa kanya. “S-so, tanggap mo ako kahit na may baggage ako?” “Sa totoo lang, wala akong problema kahit ilang baggage pa ang meron ka. Ang gusto ko lang, mahalin ako, Goddy. Mahalin ako ng totoo,” honest niyang sagot. Tumango-tango si Goddy. Pero base sa kwento nito, minahal nito si Pia. Unang pinili nga, e. Kaya ang hirap nito tuloy paniwalaan. “I don’t think magagawa mo iyon sa akin. I mean ang mahalin mo ako ng totoo. Kasi si Pia pa rin ang mahal niyan.” Sabay turo niya ng puso nito. “‘Yon ang akala mo.” Inilinga ni Goddy ang paningin. “Never kong nagawa ito sa kanya, Halina. Kung paano ko nagawang dalhin ka rito nang labag sa ’yo, hindi ko rin nagawa ito. Tanging sa ’yo lang. Kaya mali ka nang inaakala.” Kinuha pa nito ang kamay niya at tinapat sa dibdib nito. “Hindi mo na nararamdaman? Ang bilis, ‘di ba? Ikaw lang ang nakakapagpabilis niyan.” “M-mabilis nga—” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang halikan siya nito sa masuyong paraan. “At ’yan, hindi ako magsasawang halikan ’yan.” Sabay diin nito ng daliri sa labi niya. At singhap naman ang namutawi sa kanya nang yakapin siya nito nang mariin. “Kapag ganito kalapit ang katawan natin, wala akong ibang nasa isip kung hindi maging akin ka, Halina. Ibang-iba kay Pia dahil hindi ako ganito sa kanya… sa ’yo lang.” Sunod-sunod na lunok ang ginawa niya dahil sa mga sinabi nito. Parehas sila ng nararamdaman kasi kapag ganito sila ka-close. Marami na siyang nakayakap pero wala lang sa kanya. Si Teddy, ilang beses na. Subalit wala siyang ibang maramdaman. Pero kay Goddy— ah, basta iba ito. Mas lamang ito sa lahat. Masuyong haplos ang ginawa nito sa pisngi niya mayamaya. “Siya ang una sa buhay ko, pero maniwala ka sa hindi, sa ’yo ko lang na-imagine ang sarili kong may mga anak na…” “R-really?” Masuyong tumango naman ito. “Oo. Anong patunay ba ang gusto mo? Buntisin ka? Sige—” “Loko ka!” Kasabay niyon ang pagtampal niya sa dibdib. “Tuloy na nga natin ang pagkain.” Iniwan niya itong nakangiti. Ganoon pa rin ang position nito. “Hoy! Halika na!” “Game?” Baling nito. “Heh! Maupo ka na nga! Ang lamig na nitong pagkain natin.” Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya hanggang sa matapos sila. Kinapa niya ang dibdib niya, hindi na niya makapa ang katigasan pagdating sa binata. Does it mean, unti-unti na nitong natitibag ang puso niyang matagal na naging bato? Pinagpahinga siya nito pagkatapos nilang kumain. Nagpaalam na nga siya na na aalis siya pero umiral na naman ang kakulitan nito na ihatid siya. Ito ulit ang nagmaneho at mag-commute daw ito pauwi. Nagkatinginan silang dalawa nang mai-park ni Goddy ang sasakyan niya sa parking lot. “Thanks sa pa-dinner mo. I’m impressed.” Imbes na sumagot ay dumukwang ito para halikan siya sa labi. “Thanks sa reward,” nakangiting sabi nito. “What?!” “‘Yong halik, reward mo sa akin. ‘Di ba? Kaya inunahan na kita.” Natatawang napaiwas ito nang akmang tatampalin niya. “Heh! Uwi ka na nga!” “Ihahatid pa nga kita sa unit—” “Pakiusap, ‘wag na, Goddy. Saka late na. Gusto ko nang magpahinga. Okay?” Rumehistro ang lungkot sa mukha nito. “Text mo ako kapag nakapasok ka na. Pwede ba, ma’am?” Napaangat siya ng kilay, pero tumango din kapagkuwan. Sa kakulitan nito, baka abutin sila ng umaga sa parking lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD