Kausap ni Leon ang anak niya na si Grace at sinabi niya rito ang mga naganap nitong mga nakaraang araw tungkol sa kaso. Nakahinga na nang maluwag si Grace dahil nalinis na rin sa wakas ang pangalan ni Bryan sa ginawa nito sa ama. "Anak, mayroon akong tao na kakausapin ngayon kaya ako maaga aalis. Mamaya na lamang tayo mag-usap muli," saad ng ama ni Grace na si Leon. "Sige po papa, mag-iingat na lamang po kayo." Sagot nito sa ama na umiinom ng cafe. Maya-maya ay may message siya na narecieved at galing ito kay Bryan. Umupo siya saka 'yon sabik na binasa. "Nasa school na kami ng ating anak at iniwan ko si Laurenz nang makapasok na ito sa loob. Oo nga pala, mayroon ako na business trip mamaya kaya baka tatlong araw ako hindi makakapunta sa inyo." Bigla nag-iba ang mukha nitong si Grac

