Pagdating namin sa konseho ay nakita ko iyong lalaking aking nasampal nu’ng minsa’y binihag nila si Lazarus. Kaagad na tinabunan ko ang aking mukha at nakakahiya. Pumasok na kami sa loob at kaagad na dumeritso sa malaking kuwarto. Kasya yata ang buong second floor ng bahay ni Lazarus dito dahil sa sobrang laki. Sa unahan ay nakaupo ang mga miyembro ng high council at tila hinihintay ang pagdating ni Lazarus. “Ano na ang balita?” tanong niya sa mga ito. “Papalapit na sila. Hintayin natin na sila ang sumugod dito. Hindi tayo puwedeng magpadalos-dalos dahil para silang mga buhangin sa dagat sa dami,” sagot nu’ng isa. “Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin natin pero sige, naniniwala kami sa ‘yo, Lazarus,” wika pa nu’ng isa. Nakatingin lamang kami sa kanila. “Sa tingin niyo ba tala

