Kabanata 7

2304 Words
Nagising ako na parang dinaganan ng ilang tao ang katawan ko sa sobrang bigat ng aking pakiramdam. “Carmilla, mabuti naman at gising ka na.” Napatingin ako sa paligid at nakita si Linda. Napabangon naman ako kaagad. “Dahan-dahan lang,” wika niya. “Ano’ng nangyari?” usisa ko sa kaniya. Napatingin ako sa paligid at mukhang nandito ako sa bahay nila. “Bakit ako nandito?” dagdag ko pa. “Si Lola?” tanong ko. Hindi naman siya sumasagot. “Linda,” saad ko. Huminga siya nang malalim at umiling. “Wala na siya, Carmilla. Hindi namin alam kung ano ang nangyari. Nakita ka lang ng kapitbahay namin na naglalakad sa daan at humihingi ng tulong at gabing-gabi na. Wala ka bang natatandaan?” aniya. Natigilan naman ako at naalala ang nangyari kagabi. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sumasakit na naman iyon. Kaagad na napahagulgol ako nang maalala ang lahat. “N-Nasaan si lola?” usisa niya. “Alam kong hindi madali ang pinagdadaanan mo. Pero tatagan mo ang loob mo ha, nandito lang kami,” aniya. Tiningnan ko naman siya. Kita ko ang awa sa mga mata niya. “Kumain ka na muna. Magpalakas ka. Napagpasiyahan ni, Kap na sa court idadaos ang lamay niya at miyembro naman ng dayong si Lola Pasing. Masiyado na kasing malayo kung doon pa sa bahay niyo. Ang sabi roon sa autopsy ang cause of death niya ay heart attack,” sambit niya. Napakunot-noo naman ako. “H-Hindi totoo ‘yan. Linda, sinugod kami ng apat na lalaki sa bahay. P-Pinatay nila si lola,” sabat ko. “Ano ang ibig mong sabihin?” “May dumating na apat na lalaki para kunin ako. Pinatakas ako ni, lola kaya siya ang naiwan doon sa bahay. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila at hindi ko rin alam kung ano ang nangyari kay, lola. Hindi ko kaya Linda, hindi ko kaya,” umiiyak kong saad. Tiningnan niya lang ako at hinaplos ang aking buhok. “Alam ko Carmilla. Alam ko, naniniwala ako sa ‘yo. Pero huwag mo ng ipagsabi kung ano ang nangyari nu’ng gabing iyon. Bahala na sila mag-isip kung ano ang nangyari. Importanteng hindi nila malaman na may kababalaghang nangyari roon sa inyo. Hayaan nating makapagpahinga nang payapa ang lola mo, okay?” Tinitigan ko naman siya. “Ano ang alam mo?” mahinang tanong ko sa kaniya. Huminga naman siya nang malalim. “Maniniwala ka bang may third eye ako? Alam ko pagtatawanan lang ako ng ibang tao kapag sinabi ko iyon. Pero Carmilla, marami akong nakikitang hindi nakikita ng pangkaraniwang tao,” aniya. Natameme naman ako. “Noong gumala tayo marami ang nakasunod sa ‘yo. Totoo ang sinasabi nu’ng baliw na lalaki na marami sila. Nakikita ko rin ang awra mong kakaiba. Humahalimuyak ka sa pang-amoy ng mga engkanto,” dagdag niya pa. “Alam ko na hindi heart attack ang ikinamatay ng lola mo. Noong minsa’y nagawi siya sa mansion alam ko na may masamang mangyayari. Nagkausap kami saglit at nakita ko ang itim na nakasunod sa kaniya. Kapag ganoon, malapit na ang oras niya. Hindi ko masabi-sabi sa ‘yo dahil baka matakot ka sa ‘kin,” sambit niya. “A-Alam ni, lola na malapait na ang oras niya?” usisa ko. Tumango naman siya. “Mukhang ang tanda-tanda na ng lola mo. Pero marami siyang alam, Carmilla. Ang sabi sa akin ng lolo ko noon ay isang alamat sa pangagamot ang lola mo. Natigil lang nu’ng dumating ka na sa buhay niya. Nakatuon na sa ‘yo ang atensiyon niya. Mahal na mahl ka ng lola mo,” kuwento niya. Napaluha na naman ako sa narinig. “Carmilla, may bumubulong sa ‘kin na malapit na sila sa ’yo. Hindi mo lang sila nakikita pero malapit ka na nilang kunin,” aniya. Nahintakutan naman ako sa sinabi niya. “Linda, alam ko, nakikita ko rin sila. Kailangan ko lang ilihis ang mga mata ko dahil lalo silang magpaparamdam kapag binigyan ko sila ng pansin. Alam ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Tinatatagan ko lang ang sarili ko dahil iyon ang bilin ni, Lola. Ngayong wala na siya, hindi ko na alam kung ano ang gagawin at kung saan ako pupunta,” sambit ko. “Puwede ka naman tumira muna rito sa bahay,” aniya. Umiling naman ako. “Linda, sobrang nagpapasalamat ako sa kabutihan niyo sa ‘kin pero ayaw kong madamay kayo sa kung ano mang kakaharapin ko. Hindi ko na kayang mawalan pa ng taong malalapit sa ‘kin. Hayaan mo at magiging okay rin ako katagalan,” mahinang saad ko. Niyakap naman niya ako. “Kumain ka na,” aniya. Tumango naman ako. Umalis na muna siya kaya ako na lang ang naiwan sa kuwarto niya. Napatingin ako sa altar at nakita ang imahen doon. “Bakit nu’ng panahong kailangang-kailangan ko ng tulong mo ay hindi mo ibinigay? Bakit mo kami pinabayaan? Bakit mo hinayaang mawala sa ‘kin si lola?” wika ko at napahawak nang mahigpit sa aking kutsara. Kahit malayo ay nagsisimba ako. Buong puso ang pagtitiwala ko sa kaniya pero bakit pinabayaan niya ako? Kung kailan kailangang-kailangan ko siya hindi niya ako tinulungan. Alam kong siya lang ang may alam ng lahat at may hawak sa lahat pero pinabayaan niya kami. Hinayaan niya kaming madusa sa kamay ng mga demonyong iyon. Iniwas ko na ang tingin doon at napahinga nang malalim. “Wala kang karapatang kuwestiyunin ang kaloob ng Diyos Carmilla. Napakasama mo, sobrang sama mo. Patawarin niyo po ako Ama at nagkasala ako saiyo. Patawarin mo ako,” wika ko at napaluhod. Hindi ko lang talaga maintindihan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kalahati ng buhay ko ay nawala. Kahit walang lasa ang kinakain ko ay tinapos ko iyon at nagbihis na. Pupunta na ako sa court kung saan nandoon si lola. Kasabay ko si Linda na naglalakad. Nagulat ako nang pumatak ng alas-sais ay nagdagsaan ang mga taong nakasakay ng mamahaling sasakyan. Marami sila at pagkaalis ng isa ay may darating na naman. Napapatigil sa pagsusugal ang mga taga-bilar at manghang nakatingin lamang sa mga bisita. Napatingin naman si Linda sa ‘kin at napahawak nang mahigpit. “Bakit?” usisa ko. “Tingnan mo,” aniya. Napatingin naman ako at napasinghap. “Nakikita mo ba ang nakikita ko? Hindi sila tao, Carmilla. Sila ay mga kakaibang nilalang na nag-e-exist sa ibang dimensiyon kung saan din galing ang iyong lola. Mga kaibigan niya sila at ngayon ay nandito para dalawin siya. Marahil kaya namamangha ang iba sa kanila dahil naloloko nila ang mga tao sa paligid,” saad ni Linda. Lumapit na ako sa kabaong ni lola at nagdadalawang-isip ako kung titingnan ko ba siya o hindi. Parang hindi ko kaya. Nilakasan ko na lang ang aking loob at napatakip sa aking bibig. Sobrang nangiyayat siya at ibang-iba ang kulay. Parang ubos na ubos ang dugo sa katawan at ni kaunting tubig ay wala dahil sobrang tuyot ng balat. Nakikita ko na halos ang bungo niya dahil sa kapayatan. H-Hindi ito ang lola ko. Nayakap ko ang kabaong niya at napahagulgol nang malakas. Ni hindi ko man lang nasilayan ang mukha niya sa huling pagkakataon. Ni hindi ko siya nayakap. Ni hindi ko man lang nasabi kung gaano ko siya kamahal. Ang dami ko pang gustong maabot para sa aming dalawa pero kinuha lang siya sa ‘kin ng mga demonyong ‘yon. “L-Lola,” hagulgol ko at parang tinutusok ng karayom ang puso ko sa sakit. Hindi ko maipaliwanag ang sakit. Hindi ko matagalang tingnan ang mukha niya. Ibang-iba sa nakasama ko. Hindi ko lubos maisip kung anong pagpapahirap ang ginawa nila sa kaniya. “Carmilla...” Napalingon ako at nakita ang isang babae. Sa tingin ko ay kaedad lang ito ni lola. Tumabi siya sa ‘kin at tiningnan si lola t’saka huminga nang malalim. “Kapag namatay na ang tao, ang katawan niya ay kusang babalik sa abo. Aalis ang kaluluwa sa kaniyang katawan at maghihintay ng karapat-dapat na hatol sa kabilang buhay. Pero ang lola mo ay wala sa langit o impiyerno. Nasa ibang dimensiyon siya at nabubuhay kasama ang mga kaluluwang hindi mapakali. Mga kaluluwang inihulog ng Ama dahil sa kasalanang nagawa hindi pa man nabubuhay ang mga tao. Sila ang mga hulog na anghel kasama si Lucifer. Mga sakim sa kapangyarihan. Mga sundalo ng demonyo at ngayon nga ay naghahasik na naman ng lagim sa mundo ng mga mortal. Isipin mo na lang palagi na sasa tabi mo lang siya palagi Carmilla at binabantayan ka. Hangga’t hindi mo winawaglit sa puso’t isipan mo ang isang tao ay kasama mo siya. Alam kong masaya siyang pumanaw kahit na karumaldumal ang sinapit niya. Alam kong kampante na siya dahil nagawa niya ang dapat niyang gawin,” wika niya. “A-Ano po ang ibig mong sabihin?” “Ako si Rosalita, ang kaibigan ng lola mo at ibinilin ka niya sa ‘kin. Umalis na tayo sa lugar na ‘to pagkatapos ng libing ng lola mo at nanganganib ka. Alam na nila kung nasaan ka. Naghihintay sila ng tamang pagkakataon para kunin ka. Hindi sila makalapit ngayon dahil maraming nilalang ang nakabantay sa ‘yo,” aniya. Natawa naman ako nang pagak. “Bakit ngayon lang na wala na si lola? Bakit nu’ng mga panahon na kailangan namin ng tulong ay hindi nila ginawa? Bakit ngayon pa na patay na siya?” umiiyak kong sambit. Tiningnan niya lang ako. “Hindi mo sila masisisi, Carmilla. Ako man ay labis na nagsisising hindi ko man lang natulungan ang kaibigan ko. Hindi ko man lang siya nailigtas sa kapahamakan. Hindi natin hawak ang panahon Carmilla, kung ano ang dapat na mangyari, mangyayari. Kailangan mong sumama sa ‘kin sa suusnod na araw. Pagkatapos ng libing ng lola mo ay kailangan na nating umalis. Hindi tayo puwedeng abutin ng gabi sa daan dahil delikado. Sa dilim ng gabi, nandoon ang mga panganib na hindi natin inaasahan,” saad niya. Tumango na lamang ako. Tatlong araw lamang ang vigil ni lola. Habang nagmamartsa nga kami papunta sa libingan ay wala na ni isang luha ang tumulo pa. Pagod na ang mga mata ko. Kahit ano pang iyak ang gawin ko hindi na siya makakabalik sa akin. Nakatingin lang ako sa kabaong na unti-unting binabaon sa lupa. Sa huling sandali, ay iniyak ko na ang lahat. Kasabay nu’n ay ang malakas na pagtunog ng langit. Magkasamang kulog at kidlat. Nagsialisan na rin ang iba nang magsimulang bendisyunan ng pari ang kabaong. Nang matapos ang seremonya ay iilan na lang kaming naiwan. Nagpaalam na rin kalaunan ang mga kaibigan kong mauuna na. Napatingin naman ako sa langit at pumikit. “Carmilla tara na,” ani Aling Rosalita. “P-Pwede po bang bumalik muna tayo sa bahay saglit? May oras pa naman po ‘di ba?” saad ko. Tumango naman siya. Alam kong naiintindihan niyang nagluluksa pa ako. “Huwag tayong magpapahapon ha. Kailangan nating magmadali,” saad niya. Tumango naman ako. Pagdating nga namin sa bahay ay parang sinasakal ako sa sobrang tahimik. Ang bigat sa pakiramdam. Pumasok na ako sa loob at kumuha ng mga damit ko. Habang inilalagay iyon sa aking bag ay natigilan ako nang makita ang damit ni lola. Kinuha ko iyon at inamoy t’saka niyakap nang mahigpit. Pakiramdam ko ay nandito lang siya. Akmang tutulo na naman ang luha ko. Tiningnan ko ang buong kubo at mapait na napangiti. “Hindi ko inakalang darating ang araw na lilisanin ko ang lugar na ‘to.” Pumasok naman si Aling Rosalita at kinuha ang iilang gamit ni lola. “Kailangan nating sunugin ang mga ito,” wika niya. Tumango naman ako. Paglabas nga namin ay sinunog niya na ang mga gamit ni lola. napatingin ako sa malaking puno kung saan namamalagi ang kapre. Wala ng mga dahon at tuyong-tuyo na rin. Tanging tustos na lamang ang natira na nasa lupa. Wala na rin ang baleteng tumubo sa malaking puno ng acacia. “Mabait ang kapreng iyon. Puwede siyang huwag makialam sa nangyayari pero mas pinili niya pa ring tulungan ka,” aniya. Hindi naman ako makapagsalita. Kitang-kita ko lahat ng sakripisyo niya para matulungan ako nu’ng gabing iyon. Kitang-kita ko kung paano siya pinatay ng mga demonyong ‘yon. Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ang kubo namin ni lola bago umalis. Hindi ko na nakita pa ang dalawang aso namin. Hindi ko alam kung buhay pa ba sila o gaya nila lola ay wala na rin. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko sa nangyayari. Bawat hakbang ko palayo sa bahay ay parang may pinapasan ako. “Carmilla!” sigaw ni Aling Rosalita. Nahihirapang nilingon ko naman siya. “Mga peste! Ni hindi na kayo nahiya! Wala na nga kayong naitulong sasaktan niyo pa siya. Mahiya kayo kay, Pasing!” sigaw niya at may sinaboy sa likuran ko. Kaagad na nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtakbo ng isang payat na nilalang at nagtago sa likod ng bato. Umuusok pa ito dahil sa isinaboy ni Aling Rosalita sa kaniya. “Umalis kayo!” sigaw niya ulit at nagsialisan naman ang mga ito. Kaagad na napatingin naman kami sa paligid nang makakita ng paniki. “Kailangan na nating umalis. Kailangang nakalayo na tayo bago pa mawala ang araw,” nagmamadali niyang sambit. Tumango naman ako. Bago nga nawala ang araw ay nakasakay na kami sa bus. Ni hindi ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Hindi rin ako nakapagpaalam sa mansion. Nakatingin lang ako sa labas ng daan at napabuntong-hininga. “Sa pupuntahan natin siguradong walang sino man ang makakapanakit sa ‘yo. Poprotektahan ka niya,” saad ni Aling Rosalita. “Saan po tayo pupunta?” “Sa mansion ni, Lazarus,” sagot niya. Natigilan naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD