Lumayo na siya sa ‘kin at hindi pa rin ako makagalaw. Shock ako sa ginawa niyang paghalik sa akin. “L-Lazarus,” mahinang saad ko. Ngumiti naman siya at bumalik sa upuan. Tila walang nangyari at siya namang paglabas ni Inang. “Luto na ang pagkain halina kayo,” wika niya. “Halika na,” sambit ni Lazarus sa ‘kin at hinila pa ako papuntang kusina. Nagtataka ako sa mga ikinikilos niya. Ibang-iba kasi eh. “H-Hindi ka ba nandidiri?” usisa ko. “Nandiri ba ako nu’ng halik---” Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya dahil kasama namin si Inang. Kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Inang dahil tinakpan ko ang bibig ni Lazarus. “Haha!” Awkward kong tawa at inilingan si Inang. “Wala po iyong sinasabi niya Inang,” saad ko at pinanlakihan siya ng mata. Lintik na ‘to! Kumunot naman ang noo

