Kabanata 4

1735 Words
Matapos ang mga pangyayari kanina ay nadi-distract na ako sa tatlo. Hindi nila ako iniiwan at lalong hila-hila nila ako. Sobrang nag-enjoy ako sa lakad namin kahit papaano. “Anong oras na ba?” tanong ko kay Linda. Napatingin naman siya sa relos niya. “Alas kuwatro treinta,” sagot niya. Natigilan naman ako. Hindi ako puwedeng gabihin. “Hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ni Analyn. “Puwede bang umuwi na tayo kung wala na kayong bibilhin? Panigurado kasing hinihintay na ako ni, Lola. Alam niyo na,” wika ko. “Oo nga, isa pa maglalakad ka pa paunta sa bahay niyo. Baka gabihin ka,” ani Rita. Tumango naman ako sa sinabi niya. Ilang saglit nga ay napagpasiyahan na naming umuwi. Sakay ng traysikel ay nakatingin lamang ako sa nadadaanan namin. “Nag-enjoy ka ba, Carmilla?” usisa sa ‘kin ni Linda. Ngumiti naman ako. “Halata ba sa mukha ko?” nakangiti kong sagot. Nagtawanan naman sila. “Ang daming guwapo kanina ano. Kaso mga kabataan naman,” ani Rita. “Guwapo lang pala ang hinihintay mo ha,” asik ni Analyn. “Oo naman, sa edad nating ito kailangan maranasan naman nating magka-nobyo,” sagot niya. “Eh, ikaw Carmilla, may nagugustuhan ka na ba?” tanong ni Linda sa ‘kin. Hindi naman ako makasagot. Kasi talagang wala akong maisagot. “May dapat ba akong magustuhan?” sagot ko. Sila naman ngayon ang natameme. Napakamot na lamang ako sa ulo ko at napangiti nang alanganin. “Sa bagay, kade-desi-otso mo pa lang naman kaya okay lang na wala muna,” wika ni Rita. Ilang minuto nga ay nakarating na kami sa waiting shed. Bumaba na ako at nagpasalamat sa kanila. Sa unahan pa kasi ang sa kanila at sa amin ay papasok pa. “Salamat sa araw na ‘to. Mag-iingat kayo,” nakangiti kong sambit. “Salamat din, bye Carmilla. Mag-iingat ka ha.” Tumango naman ako at kumaway na sa kanila. Nang makalayo na ang traysikel ay t’saka ko naman tinahak ang daan pauwi sa bahay. Napatingin ako sa langit at hindi pa naman masiyadong salop ang araw. Naglakad na ako at ilang minuto nga ay narinig ko na naman ang pagsitsit sa akin. Binilisan ko ang aking paglakakad at pakiramdam ko ay may nakasunod sa ‘kin. “Psst!” Nagsitaasan na naman ang aking balahibo. Halos patakbo na ako lalo na at parang kaybilis ng oras. Unti-unti na ring nag-aagaw ang liwanag at dilim. Papasok na ako sa masukal na daanan nang matigilan ako sa aking kinatatayuan. Parang mababasag na ang tenga ko sa lakas ng kabog ng aking dibdib. Nakatingin lamang ako sa pigura sa aking harapan. Hindi ako makagalaw. Nakaupo siya sa bato sa gilid at nakatalikod sa ‘kin. “S-Sino ka?” Nanginginig na ako. Napatingin ako sa langit at pagabi na. Napalunok ako nang marinig nag tawa niya. Ibang tawa iyon. Naninindig ang buong balahibo ko sa aking katawan. Lumingon siya sa ‘kin at nabuhay ang takot sa ‘kin. “Kanina pa kita tinatawag hindi mo naman ako sinasagot,” aniya at bumungisngis. Tawa lang siya nang tawa. Napaatras ako nang tumayo siya. Papunta siya sa ‘kin habang nakabungisngis pa rin. Ang takot na nararamdaman ko ay dumoble nang mawala na ang liwanag. “Sumama ka na sa ‘kin, Carmilla,” saad niya at tumawa na naman. Kinuha ko ang pinadala ni lola sa ‘kin kanina at itinaas iyon. “Agh!” Para siyang nasilaw sa dala ko at hindi makatingin sa ‘kin. Naiiyak na ako sa takot. Nilakasan ko ang aking loob at hindi ako makauuwi kung hindi ako makalalabas dito. “H-Huwag kang lalapit,” wika ko at napalunok. “Carmilla, huwag mo na akong pilitin pa. Sumama ka na sa ‘kin,” anito. “Hindi! Tigilan niyo ako. Ano ba ang kailangan niyo sa ‘kin? Wala akong ginagawang masama sa inyo. Tigilan niyo ako!” sigaw ko at mabilis na tumakbo. HUwag kang lilingon, huwag kang lilingon. Paulit-ulit lang sa utak ko. Kapag lilingon ako paniguradong pagsisisihan ko. Pagod na pagod na ako. Ramdam ko ang labis na pagkauhaw at pagod. Napatingin ako sa paligid at ganoon pa rin. Pabalik-balik lang ako. “Huwag ka ng magmatigas pa hihihihi,” aniya. Natigilan ako at tuluyan ng naghalo ang luha at pawis ko. Napapikit ako nang maramdaman ang matutulis niyang kuko na nakahawak sa aking leeg. Pumunta siya sa harap ko at hindi ako makasigaw at makagalaw. Hindi ko mawari ang mukha niya. Ang laki ng bunganga at mata. Hindi siya tao. Kampon siya ng mga demonyo. Isang masamang elemento na sinasabi ni lola sa ‘kin. “M-Maawa ka sa ‘kin, pakawalan mo ako,” umiiyak kong wika. Bumungisngis na naman siya at hinawakan ang aking mukha. “Napakaganda mo. Kahit ang amoy mo ay napakabango,” wika niya. Umiling-iling naman ako. “Hindi namin kasalanan Carmilla. Ang amoy mo ang tumatawag sa ‘min,” aniya. Napapikit naman ako at napahawak nang mahigpit sa ipinadala ni lola. “Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang utos mo dito sa lupa para lang sa langit,” usal ko. “Hindi uubra sa ‘kin ang dasal mo, Carmilla,” galit niyang saad at akmang susunggaban niya na ako nang mabilis na pinunit ko iyon at ibinato sa bibig niya. Kaagad na napasigaw naman siya sa sakit. Mabilis na tumakbo ako at tahimik na nagpasalamat sa Diyos nang makalabas ako. Ilang saglit pa ay lumakas ang bungisngis niya. Habang tumatakbo ay binibigkas ko lang ang dasal ng Panginoon. Para akong nakalutang sa hangin. “Hindi mo ako matatakasan Carmila hihihihi,” aniya. Patuloy lang ako sa pagtakbo at napaiyak nang makita si lola na may dalang sulo. Buong lakas na binilisan ko pa ang aking pagtakbo at hingal na hingal na napayakap sa kaniya. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng hangin sa katawan at napapikit. “Carmilla!” Nagising na lamang ako dahil sa mainit na dumadampi sa akin. “L-Lola,” mahinang saad ko. Tiningnan niya lang ako at huminga nang malalim. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong niya sa ‘kin. Bumangon naman ako at umupo. Parang nahihilo pa rin ako pero kaya ko naman. “Ano po ba ang nangyayari? Bakit nila ako ginugulo?” tanong ko kay lola. Nakatitig lamang siya sa ‘kin at huminga nang malalim. “Paano niyo po ako nadala rito? Hindi niyo kakayanin ang bigat ko,” dagdag ko pa. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Nagpatulong ako kay Tercio,” saot niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Tercio?” Tumango naman siya. “Ang kaibigan kong kapre na nakatira riyan sa malaking mahogany sa labas.” Napipilan naman ako sa sinabi ni lola. “Carmilla, alam kong naguguluhan ka. Alam kong hindi puwedeng magpatuloy ang ganito. Nagiging mapanganib na ang lugar na ‘to sa ‘yo. Kailangan mo ng umalis dito. Pumunta ka ng siyudad at doon ka na muna. May kaibigan ako roon at handa silang kupkupin ka,” aniya. Ilang beses na napailing naman ako. “Lola, ano ba talaga ang nangyayari? May tinatago kayo sa ‘kin. Sabihin niyo naman sa ‘kin para alam ko kung ano ang gagawin ko. Marami kayong alam ‘di ba? Turuan niyo ako. Hindi ako magpapadaig sa mga iyan. Huwag niyo na rin pong isipin na aalis ako rito na hindi kita kasama,” matigas kong sambit. “Carmilla, making ka sa ‘kin,” giit niya. “Akala niyo ba hindi ko alam na sa twuing may kababalaghang nangyayari ay inoorasyonan mo ako para makalimutan ko? Binubura mo ang alaala ko para hindi ako matakot at manatiling normal ang aking paglaki ‘di po ba?” wika ko. Hindi naman siya makasagot. “Paulit-ulit lang ang mangyayari, ‘la. Hangga’t binubura niyo ang alala ko lalo lang akong magiging pabigat sa ‘yo. Hindi kita matutulungan. Ano ba talaga? Bakit kahit saan ako magpunta may nagpapakita sa ‘kin?” “Dahil isa kang alay, Carmilla,” sagot niya. “A-Ano po ang ibig mong sabihin?” “Bata ka pa lang ay hindi na kaya-aya ang buhay na naghihintay sa ‘yo. Nakita kita sa gilid ng ilog na halos wala ng buhay. Marami kang sugat at putlang-putla na. Dapat ay patay ka na pero buhay ka pa rin. Hindi nawawala ang t***k ng puso mo. Inilapit kita sa mga Diwata at ginamot. Nang maging maayos ang kalagayan mo ay tuluyan na kitang inampon. Binalaan na ako ng mga Diwata na lapitin ka ng mga hindi pangkaraniwan. Hindi lang tao ang naaakit mo, Carmilla. Ang kariktang mayroon ka ay tao ang naaakit mo. Pero ang mga elementong hindi natin basta-basta nakikita ay gustong kunin ka. May iba sa ‘yo na wala sa normal na tao. Ramdam na ramdam ko ang kapangyarihang nasa loob mo. Kaya gusto ka nilang kunin,” wika niya. Hindi naman ako makagalaw sa kinauupuan ko. “Tinawag mo ang anak ng demonyo, Carmilla. Nagkamali ka, at kailangan mong takasan iyon. Hindi ngayon ang tamang panahon dahil wala tayong laban. Hindi ko kakayaning ilaban ka dahil matanda na ako. Wala akong sapat na lakas at kapangyarihan para harapin sila. Handa akong ibuwis ang buhay ko para maprotektahan ka, kaya kailangan mo ng lisanin ang lugar na ‘to,” saad niya. “Sino ba siya, ‘la?” “Hindi siya Carmilla...sila,” aniya. Napalunok naman ako. “Papalapit na sila, Carmilla. Ang mga nilalang na iyon ay higit na mas katakot-takot sa mga nilalang na nakikita mo ngayon. Higit na masama at makapangyarihan. Maaamo ang mukha nila pero anak sila ng demonyo. Kasamaan lang ang alam nila. Gagawin nila ang lahat para panatilihing malakas ang kultong mayroon sila,” sambit niya. Binawi ko naman ang kamay ko na hawak niya at umiling. “Wala akong kinalaman sa kanila ‘la. Gusto ko lang mabuhay nang tahimik kasama ka,” sambit ko. “Wala na tayong magagawa Carmilla, ito ang nakatakdang mangyari. Sana lang ay sumunod ang buhay mo kay, Leandra. Sana mas mauna siyang kunin ka kaysa iba,” saad niya. Kumunot naman ang noo ko. “Ang librong binasa mo noon, ay siyang portal ng mga elemento para malaman nila kung nasaan ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD