"Niloloko mo na ako, Vincent." May babala sa boses niya habang sinisita ito. "Hindi ka naman nanonood e!" Tinulak niya ito dahil panay pa rin ang halik sa kanyang pisngi, sa leeg at balikat. She has to stop him somehow dahil baka madarang siya at makalimot na naman. Naniniwala pa naman siya na hindi tama ang premarital s*x. Pero dahil sa lalaking ito, juskolord, forgive me po. Umungol lang ito bilang protesta at lalong niyakap ang nakaakbay na kamay sa kanyang balikat. "I can't help my self. Kasalanan mo 'to, Grace. You bewitched me. Saka bakit ang bango mo? Hinanap ko yung ginamit mo sa banyo, pero wala akong nakita." "Ubos na yung body wash na 'yon." "Unacceptable. We should buy again." She chuckled as she faced him. "Huwag mong iligaw ang usapan. Ang sabihin mo, gawain mo 'to tuwing

