"Okay lang ba talaga na bumalik ako sa orphanage?" tanong ni Grace habang nakasakay sa passenger's seat ng kotse ni Richard. Sa harap at likod nila ay nakasunod ang ilang pulis cars. So may bodyguards na rin siya ngayon? "Should I just leave the country? Hindi ba naipagawa nyo na ako ng papers and ID's? Tama lang siguro na gamitin ko iyon, sayang naman, hindi ba? Isa pa, gusto ni Maine na mamasyal kami abroad. I think this is the right time--" "Don't be ridiculous, Grace. You're not leaving this country. Not even with Maine." "Pero ayoko kayong madamay, Chard. Ayokong maulit pa sa iba ang nangyari kay Maine. Hindi kakayanin ng konsensya ko." "Maine is fine. Makikita mo mamaya, she's back to her talkative and annoying self. At pwede ba, magrelax ka, sisiguraduhin kong wala ng iba pang m

