Napanatag ang loob ni Grace pagkatapos manalangin. Prayers do wonders for aevery troubled heart and mind. Akma niyang tatawagan si Vincent nang mapansing ayaw mag-on ng cellphone niya. Na battery empty na pala ang gadget niya nang di niya namamalayan. I-chinarge niya ang gadget. Saka niya tinungo ang banyo para maligo at mag-ayos kagaya ng sabi ni Vincent. They're going out for a date. Aaminin niyang nai-excite siya. Dapat lang na magmake-up din siya, hindi ba? Nangati ang kamay niya na tawagan si Ryder pero nang hindi nya makontak ang babae ay nagresearch na lang siya sa youtube ng simpleng make-up tutorial. Medyo natagalan rin siyang mamili ng isusuot na damit. Bukod sa maraming nakahilera sa cabinet, nawili rin siya sa pagsusukat ng ipapares na sandalyas o di kaya ay sapatos. N

