Daniel smiled sheepishly. "Pasensya na. Tumuloy ako para siputin ka. Gusto kita noon, Grace. Gustung-gusto actually. Kaya lang," sumulyap ito sa direksyon ng sala. "May bantay ka e." "Huh? Gusto rin naman kita noon. Kaya nagtaka ako na bigla ay hindi ka na lang sumulpot. Ang huling ibinalita ni Maine sa'kin ay naospital ka dahil sa aksidente." "Tumuloy pa rin ako para sa third date kahit pinagbantaan na niya ako." Inginuso nito ang direksyon ng sala. Nanlaki naman ang mga mata niya nang maintindihan iyon. "Si Vincent?" "Iyon ang nagpabugbog sa'yo?" bahagyang tumaas ang boses ni Nanay Melba. Napamura na lang ang matanda. Napangiwi si Grace. "I'm sorry...." Nakangiti lang si Daniel. "Wala na iyon. Nakaraan na. Isa pa, kahit gustung-gusto kita noon, mahal ko naman ngayon ang pamilya ko.

