Inaasahan ni Grace na sa isang resort at sa isang kubo sila tutuloy. Pero isang modern beach house ang bumulaga sa kanila sa bandang gitna ng isla. Halos gawa iyon sa salamin at hindi na niya kailangan pang lumabas para makita ang sunrise o sunset. “Kay Ryder ‘to?” tanong niyang nilukob muli ng inggit. Talagang mayaman ang babae para magkaroon ng isla biang property. Mahina niyang natutop ang bibig. 'Juskolord, patawad.' “Hindi," sagot ni Vincent. "Sa kakilala niya. Mga Muntarciego ang may-ari nito. Kilala mo 'yong artista na Muntarciego?" Umiling siya. Hind naman kasi siya mahilig sa mga celebrities." "Hindi ko alam kung ano’ng ginawa niya pero she said binlackmail niya yung may-ari nito para pumayag.” Tumawa si Vincent. “She can be wicked, that girl.” Bahagyang napasimangot si Grac

